Press "Enter" to skip to content

Landlord Pwersahang Pinasok Ang Paupahan At Pinalayas Ang Tenant Ng Ito Ay Sitahin!

Mabalacat Pampanga- Ang lugar kung saan pinalayas ng landlord ang kaniyang tenant nang siya ay sitahin nito sa pagpasok ng walang paalam sa kwartong pina-uupahan.

Lugar ng paupahan

Si Rymnd Gnzls ang tenant na siyang nag post sa social media ng isang babala “BEWARE! Wag na wag po kayong uupa sa 1372 Sardonyx St. Goldenland Subdv. Mabiga Mabalacat”. Kung saan pinapasok di umano ng kanilang landlord ang kwarto ng hindi nagpapaalam. Ang nasabing post ay nito lamang April 29 ng hapon.

Lardlord Pwersahang Pinasok Ang Paupahan
Photo credits: Facebook

Dagdag pa nito, kapag ito ay kanilang nakikita at sinisita ay nagagalit ito sa kanila at sila pa ang palalabasin na masama. At kung hindi sila magpapakumbaba ay palalayasin at ipapadlock ang kanilang kwarto upang hindi nila makuha ang kanilang gamit.

Binalak ikulong

Binalak din umano itong ikulong ng kaniyang landlord upang ito ay hindi makalabas. Dagdag pa niya maayos at tuloy-tuloy ang kanyang pagbabayad dito kahit pa nagkaroon ng krisis at “no pay, no work”. 

Lardlord Pwersahang Pinasok Ang Paupahan
Photo credits: Facebook

Ang pinagmulan lang ng lahat ng ito ay dahil sa kaniyang pagsita sa nasabing landlord. At kahit pa umano nilagyan na nila ng extra padlock ang kwarto for safety ay nagawa pa din itong sirain. Nawalan din umano ito ng pera at ilang gamit sa nasabing inuupahan.

Para lang po sa kaalaman ng mga posibleng magtanong At never po nilang ibabalik yung Deposit mong, 1 month advance 1 month deposit daw po pero pagbabayarin ka sa first month, So, ang labas po 12k ang ibabayad mo sa first month kahit 4k lang po ang upa. at hindi nadaw po nila ibabalik yung 8k na deposit mo.

Magiingat po kayo

Pinagbintangan

Pinagbintangan din ito na sanhi ng pagtaas ng kanilang bill sa kuryente dahil sa gamit nilang lutuan na low voltage microwave stove – ayon pa din sa tenant.

Lardlord Pwersahang Pinasok Ang Paupahan
Photo credits: Facebook

Inireport nila ang pangyayari sa Police station ng mabalacat ngunit sinabihan umano sila na wala daw pakialam ang mga ito sa ganitong kaso. Kaya ito ay kanilang ipina-blotter sa barangay na nakakasakop sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing landlord tungkol sa nasabing post.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: