Press "Enter" to skip to content

Landlord Sa Batangas, Hindi Naningil Ng 3 Buwang Renta Sa Tenants, Namigay Pa Ng Bigas!

Viral ngayon ang isang landlady mula sa Batangas dahil ss kagandahang-loob nito. Dahil dumaranas ng krisis ang marami sa atin, isa naman syang hulog ng langit para sa kanyang mga tenant.

Mabuting landlord

Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa maraming lugar partikular sa Metro Manila, napilay ang daloy ng ekonomiya at marami ang tigil trababo. Bunsod nito ay ang pahirap na bayaran ng utility bills, pati na din ng renta ng bahay.

Landlord Sa Batangas, Hindi Naningil Ng 3 Buwang Renta Sa Tenants, Namigay Pa Ng Bigas! 2

Bagaman kaliwa at kanan ang mga reklamo ngayon dahil sa panggigipit ng mga landlord sa kanilang mga tenant, isang landlord ang viral ngayon dahil sa pagiging busilak ng puso nito. Imbis na kalampagin nito ang kanyang mga tenant upang makapagbayad ng renta, hindi ito nag-atubili na intindihin ang kasalukuyanh sitwasyon ng mga pamilyang nangungupahan sakanya. Bagkus, namigay pa ito ng sakong bigas bilang tulong.

Ibinalik

Ayon sa isa sa mga tenant ng apartment, regular aniya ang paniningil ng kanilang landlord. Nang ipairal ang lockdown, kaba ang nadarama nito at mga kapwa tenant dahil tiyak na hindi sila makakabayad ng upa. Ngunit laking pagtataka ng mga ito na noong umiral ang lockdown ay hindi nagpakita ang kanilang landlord upang maningil.

Landlord Sa Batangas, Hindi Naningil Ng 3 Buwang Renta Sa Tenants, Namigay Pa Ng Bigas! 3

At nang isa sa mga tenant, si Marron Leynes ang nagkaroon ng pera nitong Mayo lamang, nagbayad ito ng isambuwang renta upang makabawas sa nagpapatong nitong renta. Gayunpaman, laking gulat aniya nito nang isauli sa kanya ang pera at mag-chat sa kanya ang ang landlord nila. Sinabi nitong ibabalik sa kanya ang pera.

Sako ng bigas

Ikinagulat din ng mga tenant nang may magdeliver sa bawat pinto sa kanilang apartment mg tig-iisang kaban ng bigas. Galing din umano ito sa kanilang landlord.

Landlord Sa Batangas, Hindi Naningil Ng 3 Buwang Renta Sa Tenants, Namigay Pa Ng Bigas! 4

Tunay na landlord

Liban pa dyan, napag-alaman nila na ang buwan buwan na naniningil sa kanila ay hindi pala ang tunay nilang landlord. Dahil ang tunay na may-ari ng apartment na tinitirhan nila ay nasa Italy at doon nagtatrabaho. Kinilala ang mabuti at matulunging landlord bilang si Mary Ann Ilagan. Si Ilagan ay isang caretaker ng residential condo sa Italya.

Landlord Sa Batangas, Hindi Naningil Ng 3 Buwang Renta Sa Tenants, Namigay Pa Ng Bigas! 5

Sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento nito ang naging buhay nito. At ibinahagi ang magandang balita na hindi na kailangan ng mga tenant nito na bayaran ang tatlong buwan na utang sa renta. Laking pasasalamat ng mga tenant sa apartment ni Mary Ann dahil anila ay malaking tulong ito para sa kanila lalo pa ngayon at may krisis pa.

Sana all

Napa-sana all na lamang ang maraming netizens sa viral post ng netizen na si Marron. Anila, sana ay dumami pa ang mga katulad na landlord ni Mary Ann na may bukal sa puso na pagtulong sa nangangailangan.

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: