Press "Enter" to skip to content

Lasing Na Kagawad Nakipagtalo Matapos Sitahin Ng Nag Papatrolyang Mga Pulis

Isang post ng netizen na si Jack Fats ang nag viral sa social media. Ito ay tungkol sa pagtatalo ng mga pulis at isang lalaking nagpakilalang kagawad sa Las Piñas. Nagpapatrolya noon ang kapulisan dahil sa mga sumbong ng paglabag ng curfew sa lugar.

Sumilip lang

Nasita ang lalaki dahil nasa kalye ito maski oras na ng curfew. Sinabihan siya ng mga pulis na pumasok dahil bawal nang lumabas sa mga oras na iyon, ngunit nakipagtalo ito imbes na sumunod. Siya pala ay si kagawad Ekman Talay.

Lasing Na Kagawad Nakipagtalo Matapos Sitahin Ng Nag Papatrolyang Mga Pulis 1

Dumating na nga sa puntong nagpakilala ang lalaki na siya raw ay kagawad sa lugar na iyon. Pinagpipilitan niya na hindi siya maaring sitahin dahil siya ay isang opisyal. Mukhang hindi naisip ni kagawad na siya dapat ang ehemplo sa kanilang lugar kung paano sundin ang kautusan tungkol sa liquor ban.

Lugar ko to

Ginigiit ng kagawad na tama sya sa kanyang ginawang paglabas dahil kahit anong oras daw ay may karapatan siyang i-check ang kanyang nasasakupan. Lumabas rin sa usapan na hindi nakaduty ang kagawad sa mga oras na iyon.

Lasing Na Kagawad Nakipagtalo Matapos Sitahin Ng Nag Papatrolyang Mga Pulis 2

Gusto pang lumusot ni Talay at sinabing, dahil may hurisdiksyon siya sa kanilang lugar ay hindi siya maaring hulihin dahil wala siyang ginagawang masama. Ito ang paulit-ulit na rason niya sa mga pulis na halatang naiinis na sa kanya.

Nakainom

Ilang beses pinaliwanagan ang kagawad at paulit-ulit naman siya sa kanyang maling rason. Doon na siya tinanong ng isang namagitan na kasamahan ng pulis kung lasing ba ito. Umamin ang kagawad na naka inom lang daw siya pero hindi sya lasing.

Lasing Na Kagawad Nakipagtalo Matapos Sitahin Ng Nag Papatrolyang Mga Pulis 3

At nang tanungin kung alam niya ang tungkol sa ipinapatupad na liquor ban, lumiko naman ang paliwanag ng kagawad. Parang gusto pang sabihin ng kagawad na hindi totoo ang liquor ban. Ito ay dahil nakabili pa raw siya ng alak at may mga nagbebenta pa nito sa Las Piñas.

Pina-alam naman ng mga pulis na pinag-utos ng kanilang hepe sa Las Piñas na si PCol. Segundo Canapi Lagundi Jr. ang ban sa alak. Ipinagbabawal ang pagbenta, pagbili at pag-inum ng alak sa mga takdang oras. Nangatwiran ang mga pulis na wala silang sasantuhin sa pagpapatupad ng batas.

Saan ang MO

Hindi pa nakuntento ang kagawad at nagtanong pa tungkol sa koordinasyon ng mga pulis sa barangay, at naghanap pa ng mission order. Hinahanapan niya ng papel ang mga pulis habang oras ng curfew, nasa labas sya ng kanyang pamamahay, nakainum at walang suot na mask.

Lasing Na Kagawad Nakipagtalo Matapos Sitahin Ng Nag Papatrolyang Mga Pulis 4

Nang naipakita na sa kanya ang MO, sinabi naman nito na hindi niya alam ang tungkol dito at hindi ito nabanggit sa kanilang miting. Natatawa na lang na sumagot ang mga pulis na “confidential” ang MO at kapitan lang ang may alam tungkol dito.

Dahil sa walang katapusang paliwanagan na hindi naman maintindihan ng kagawad ay nagdesisyon na ang mga pulis na umalis. Nakakadismaya lang na makita ang ganitong uri ng opisyal ng gobyerno na imbes makatulong ay nagsasayang pa ng oras ng ating kapulisan.

Hirap mag enforce ng batas kung ganito kausap mo.WARNING: THOSE SHARING/RECORDING MY CONTENT AND RE-LABELLING AS THEIR OWN WITHOUT AUTHORIZATION, WILL BE HELD LIABLE.

Posted by Jack Fats on Wednesday, April 8, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: