Press "Enter" to skip to content

Lasing Na Sekyu Nanampal At Nagpaputok Ng Baril Sa Mga Street Vendors

Isang concern netizen ang nag-upload ng video kung saan makikita ang ginawa ng isang security guard sa pananampal at pagtataboy nito sa mga street vendors sa kalsada. Nang hindi nakunteto ay nagawa pa nitong paputukan ang mga ito ng baril.

Ang insidente

Ayon sa nag-upload ng video na si Dion Mente noong ika-23 ng Mayo, ang sekyu ay lasing diumano ng gabing mantrip ito. Sinabi pa nito na unang nanampal ang sekyu ng isang helper saka isa-isang itinaboy ang mga kasama nitong street vendor. Nang hindi nakuntento ay walang habas na nagpaputok pa ito ng kanyang baril.

Ang Insidente- Social Media
Photo Credit: Facebook

Dahil sa nangyari ay lubha ang takot ng mga street vendors kaya nagmadali ang mga itong tumakbo palayo sa kanilang mga paninda. Samantala maririnig din sa naturang video ang mga hiyawan at ilang pag-iyak ng mga bata na kasama sa naturang insidente.

Ang video

Ang video ay naka-upload sa mismong facebook ni Dion kung saan sinabi pa nito na i-share at pasikatin ang video ng nasabing nantrip na sekyu. Nilagyan pa nito ng hashtag ng pangalan ng Tulfo brothers at ni Manila City Mayor Isko Moreno at umaasang ang ito ay ma-imbestigahan at mabigyan ng aksyon.

Ang Video- Social Media
Photo Credit: Facebook

Aniya,

“Nilulugar po ang tapang ser, wala na nga kayong naitulong sa sakuna namerwisyo pa kayo at nambulabog.”

Ang kumento

Sa ngayon ang video ay mayroon ng iba’t-ibang negatibong kumento katulad na lamang ng pagsasabi ng isang netizen kung anong kaso ang maaring isampa dito.

Ang kumento- Social Media
Photo Credit: Facebook

“Daming kaso, indiscrimante firing, alarm and scandal, illegal possesion of firearms etc..”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing security guard sa insidente. Ito ay mahaharap sa patong-patong na kaso kagaya na lamang ng pag labag nito sa ipinatutupad na liquor ban. Gayunpaman ito ay isa lamang sa pagpapakita ng pang aabuso sa isang katungkulan na hindi dapat tuluran.

Narito ang nasabing video

ISANG LASING NA SECURTY GUARD SA RVV NAG TRIP, NG TABOY NG VENDORS NANAMPAL NG HELPER AT NAG PAPUTOK PA NG BARIL SA HARAP NG GATE 20 KANINANG 10:30PM NILULUGAR PO ANG TAPANG SER WALA NA NGA KAYONG NAITULONG SA SAKUNA NAMPERWISYO PA KAYO AT NAMBULABOGPA SIKATIN NATEN TONG MATAPANG NATO HAHAHA SHARE NYO NA PARA MAKARATING AGAD AT MASAMPULAN PA ACTIONAN NAMAN PO #yormeIskoMorenoDomagoso#raffytulfoinaction#bentulfo

Posted by Dion Gerald Loyola Mente on Thursday, May 21, 2020

Para sa iba pang impormasyon at update bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: FACEBOOK

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: