Press "Enter" to skip to content

Late Sen. Miriam Defensor, Nagbalangkas Ng Batas Ukol Sa Pandemic 7 Yrs Ago

Pitong taon ang nakalilipas mula ngayon ay may isinumiteng senate bill ang namayapang senador na si Miriam Defensor Santiago ukol sa pagiging handa ng bansa sa posibilidad na pagdating ng epidemya.

Senate Bill 1573

Ang Senate Bill 1573 o Pandemic and All Hazards Preparedness Act ay naglalayon na maging handa ang ating bansa sa panahon na magkaroon ng pandemic. Ganunpaman, hanggang sa mga oras na ito ay nananatiling pending ang panukalang suhestyon na ito ni Late Sen. Miriam. Ito ay nai-file noong Sept 5, 2003.

Late Sen. Miriam Defensor, Nagbalangkas Ng Batas Ukol Sa Pandemic 7 Yrs Ago 2

Malaki ang panghihinayang ng maraming netizens ukol sa pagkaka-antala ng panukalang ito. Disin sana ay itinaas ito sa priority list na syang sana ay nagagamit ng bansa ngayong nasa panahon tayo ng pangangailangan. Ngunit tila para sa ibang mga taga-gawa ng batas ay tila mas marami pang importanteng agenda liban rito.

Sa kasalukuyan ay umakyat na sa higit isanlibo ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa at patuloy na nananalanta sa Metro Manila.

Wake up call

Dahil din hindi tayo lubos na naapektuhan ng mga nagdaang virus o epidemya sa bansa tulad ng SARS, MERS-COV, at iba pa, hindi ito naging wake up call sa mga nagbabalangkasayin ng batas sa ating bansa. Ngunit bilang isa sa mga matatalinong tao sa larangan ng pulitika ay nakita ni Sen Miriam na isang pandemic preparedness act ang kailangan ng ating bansa. Ayon rito,

Late Sen. Miriam Defensor, Nagbalangkas Ng Batas Ukol Sa Pandemic 7 Yrs Ago 3
Presidential candidate Miriam Defensor Santiago returned to the campaign trail on April 13 with a homecoming rally at the University of the Philippines Visayas campus in Iloilo City with her running mate Bongbong Marcos

“This bill is built upon such wisdom by seeking to strengthen national response and preparedness for public health emergencies, such as those which result from natural disasters and severe weather, recent outbreaks and pandemics, bioterrorism, mass casualties, chemical emergencies and radiation emergencies.”

Kahandaan

Kung naipasa sana ito bilang batas, maraming buhay sana ang maliligtas nito. At hindi din magkukumahog ang ating mga LGU sa kung ano ang dapat gawin sa panahong ito. Ayon sa bill, magkakaroon ng mga task force ang gobyerno na syang tututok sa pagresolba ng problema.

Ang DOH ay sasailalim sa mga training at evaluation upang laging maging handa sa pagdating ng epidemya. May mga military health reserves din na syang tatawagin kung dumating man ang panahon na kailanganin ang tulong nila.

Sana ay maipasa ang batas na ito upang sa susunod ay maging alerto at handa ang ating bansa sa mga ganitong uri ng krisis.

Source: Buzzooks

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: