Press "Enter" to skip to content

Lauren Young, Takot Mawala Ang ‘Freedom of Speech’ Kaysa Brand Endorsements

Isa sa mga kritiko ng kasalukuyang pamahalaan ay ang artista at model na si Lauren Young. Sa kanyang latest Twitter post, ipinahayag nito na hindi ito natatakot na tumayo at lumaban para sa kanyang mga pinapaniwalaan kahit pa man kapalit nito ay ang kanyang mga endorsements.

Freedom

Ayon sa post nito sa Twitter, sa tuwing tumitindig ito upang magpahayag ng kanyang karapatan, may kasamang takot sakanya na posibleng mawalan ito ng trabaho mula sa mga ineendorsong brands. Gayunman, mas natatakot ito na mawala ang kalayaan nito na magpahayag ng saloobin at opinyon.

“Whenever I speak out honestly may takot ako na baka mawalan ako ng trabaho from brands. But then again, in the long run, mas takot akong mawala ang freedom ko to voice out my opinions,”

Dagdag pa ng dalaga, magpopost ito ng selfie paminsan-minsan ngunit hindi ito mapapatahimik pagdating sa kanyang malayang pagpapahayag ng opinyon.

Hindi negatibo

Iginiit pa ng aktres na hindi pagpapakalat ng negatibo ang pagsasalita ukol sa pagkakaroon ng kamalayan sa mga isyu nakakaapekto sa lahat ng Pilipino.

Sang-ayon

Sang-ayon si Lauren sa panawagan ng aktres na si Angel Locsin sa mga kapwa-artista nito na magsalita at gamitin sa tama ang kanilang impluwensiya at platform.

“Walang kwenta and kasikatan mo at yaman mo if you won’t even help the people who put you there in the first place,”

Heto naman ang mensahe nito sa mga kapwa-artista,

“Ang pagiging artista mo ay trabaho lamang, but you are first and foremost a HUMAN. SPEAK UP!! USE YOUR PLATFORM.”

Hirit pa nito,

“Ginagag* na nila tayo eh and WE ALL DESERVE BETTER,”

Utang na loob

Malaki ang pasasalamat ni Lauren Young sa dating home network nito na ABS-CBN dahil ito ang naghulma sa kanya upang maging ganap na aktres at ang naging daan upang magbukas ng maraming oportunidad para sa kanya. Habambuhay itong magpapasalamat sa ABS-CBN.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: