Press "Enter" to skip to content

Lawmaker To ABS-CBN: “Ibenta Na Lamang Nila Ang Kumpanya”!

Manila, Philippines- Hinihimok ngayon ng mga mambabatas na ibenta na lamang diumano ng ABS-CBN ang kanilang kumpanya. Ito ay kung talagang may malasakit umano ito sa kanilang 11,000 empleyado na nawalan ng trabaho.

Re-applies

Mahigit 70 mambabatas ang tumanggi sa naging franchise bidding ng ABS-CBN noong nakaraang linggo na nag resulta ng pagkabigong makakuha muli ng provisionary franchise upang makapag-ere.

Re-applies- Renewal
Photo Credit: Gma

Kaugnay nito ay sinabi ni House Deputy Speaker Luis Raymund “LRay” Villafuerte na kahit pa umano mahalal muli ang nasabing mga mambabatas sa darating na 2022 at mag re-apply ang naturang istasyon ay posibleng ma-deny lamang muli ito.

Ang opinyon

Ayon pa kay Villafuerte kung talagang mahal umano nang ABS-CBN ang 11,000 na empleyado o higit pa, at nais talaga nitong magsilbi sa mga kababayang pilipino gaya ng kanilang sinasabi ay ibenta na lamang umano nito ang kanilang kumpanya. Sinabi pa ni Villafuerte na susuportahan umano nito ang renewal ng bagong mamumuno at mag mamay-ari nito.

Ang Opinyon- Renewal
Photo Credit: Abscbn

Dagdag pa nito, ay may malaking kumpanya din naman na kayang makapagbigay ng man power, financial economic at technical expertise upang ito ay mapatakbo kung sakaling ito ay ibenta umano ng mga Lopez.

Aniya,

“Big companies can run it, provide the manpower, financial, economic, technical expertise to run the company.” 

Pag tuligsa sa Pangulo

Samantala, sa kabila ng naging desisyon na hindi mabigyan ng prangkisa ang nasabing programa ay naging “neutral” at hindi naman umano nakialam si Pangulong Duterte sa naganap na hearing ang nasabing programa sa pagitan ng mga mambabatas. Ito ay kahit pa nagkaroon ng pagtuligsa ang programa sa Pangulo at sa kabila ng hindi nito pag-ere ng political ads noong taong 2016.

Pag Tuligsa- Renewal
Photo Credit: Filipinohottopics

Ang naging dahilan lamang ng hindi pagboto ng Pangulo dito ay dahil sa tax compliance at ang citizenship ni chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III ng ABS-CBN.

Aniya Villafuerte,

“He was “very neutral until the end” of the franchise hearings that spanned nearly 100 hours.”

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: