Press "Enter" to skip to content

Legal Na POGOs, Balik-Operasyon Na, Ayon Sa PAGCOR

Kinumpirma ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR Chairman Andrea Domingo na magbabalik operasyon na ang POGO o Philippine Offshore Gaming Operations sa kabila ng nakairal na enhanced community quarantine sa bansa. Ito ay magbabalik ngunit hindi full operations kundi partial lamang.

Partial operations

Sa pagkukumpirma pa ni Domingo ay 30% lamang ng kabuuang work force ang irerequire na magbalik trabaho na. Nakumpirma ito ni PAGCOR Chairman sa virtual meeting ng mga IATF members kahapon, Huwebes. Aniya ay pinayagan ng mga ito ang kanyang suhestyon na muling buksan na ang online gambling services at inilaban na ito ay parte ng sektor ng business process outsourcing o BPO.

Legal Na POGOs, Balik-Operasyon Na, Ayon Sa PAGCOR 2

Suspendido

Nausupinde din ang operasyon ng POGO nang pairalin ang enhanced community quarantine sa bansa na nagsimula noong March 15. At nang iextend ng Pangulong Duterte ang ECQ hanggang May 15, pinagaan ang restriksyon sa mga non-essential businesses. Simula ngayong May 1, pinayagan na ng gobyerno ang muling pagbubukas ng mga BPO company.

Balik trabaho

Pagbabahagi pa ni Domingo, makakabalik na sa operasyon ang POGO sa oras na mafinalize na ang mga dokumento at pagdidisinfect ng kanilang mga opisina. Ayon naman kay Harry Roque, pinayagan ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng POGO dahil aniya ay malaking tulong ito pandagdag sa pondong kinakailangan ng gobyerno sa paglaban sa pandemic.

Walang sapat na rason

Kapansin-pansin naman ang patong-patong na kontrobersiya ukol sa POGO operations nitong mga nakaraang buwan. Ayon kay Senate Labor Committee Chairman Joel Villanueva, walang reasonable explanation para payagan nang magoperate ang mga POGO. Saad nito,

“I don’t see the logic for allowing POGO to operate. Even prior to the pandemic, we said that this industry has no positive net benefit to Filipino society. With the pandemic, they might just contribute to further spreading the disease,”

Kinumpirma naman ni PAGCOR chairman Domingo na ang mga lehitimong mga POGO lamang ang pinapayagang magbalik-operasyon. Ang mga POGO lamang na rehistrado at walang nakabinbin na tax due ang dapat magoperate. Kailangan din na ipresent ng mga ito ang valid na working visa ng lahat ng kanilang empleyado.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: