Sa panahon ng pangangailangan, isa sa mga lugar na madalas natin lapitan ay ang ating barangay office. Lalo na sa mga isyu ng pag-aaway, hindi magkaintindihang magkapitbahay, at iba pa na nangangailangan ng taga-pamagitan. Ngunit, alam mo ba na ang paghahain ng complaint sa barangay ay may bayad pala?

Complaint fee
Isang netizen ang nagpabatid ng kanyang pagkadismaya sa kanilang barangay matapos maranasan ang diumano malaking halaga ng complaint fee sa kanilang barangay.
Ayon kay Geoel Marie Quioc, aniya ay alam nya na may bayad ang complaint fee sa kanilang barangay ngunit nadismaya lamang ito sa halaga ng serbisyo.
Isang resibo ang kalakip ng kanyang post na kung saan ay makikita na pinagbayad ito ng 200 pesos para lamang sa complaint fee. Ang resibo ay nakarehistro sa Quezon City.
Maralitang paniningil
Hirit ni Geoel, dapat ay maralitang paniningil lang ang dapat na ipatupad ng barangay. Aniya ay pano na lamang ang mga taong walang kakayanan na magbayad ng malaking halaga.
Kung susumahin, malaki diumano ang potensyal na kita ng barangay sa bawat buwan depende sa dami ng reklamo na matatanggap sa bawat araw.
Ipaalam sa tao
Hirit pa ng netizen, paano na lamang din ang mga naagrabyado na walang pambayad sa barangay. Aniya ay okay naman para sa kanya ang panuntunan na ito pero sana ay ialok sa mas maliit na halaga.
Dagdag pa nito, dapat ay i-educate ang lahat ng tao sa nasasakupang barangay na may ganitong panuntunan dahil tiyak na marami ang hindi nakakaalam nito.
Hamon nito sa lahat ng barangay officials na magbigya kaalaman sa mga nasasakupan nito ukol sa batas na ito.
Reaksyon ng netizens
Maraming netizens ang nagpabatid ng komento ukol sa viral post. Ang iba ay nagbahagi na ang kanilang barangay ay hindi naniningil ng complaint fee.
Pagtataka ng marami, tila hindi ata pare-parehas ang bawat barangay sa panuntunan na ito.
Hirit ng iba, isa na naman itong uri ng korapsyon na nagsisimula sa mababang kapulungan.
Source: Facebook
Be First to Comment