Press "Enter" to skip to content

Legit o Fake: Misteryo Sa Isyung Pagpanaw Ni Supreme Leader Kim Jong Un

Kumakalat sa social media na diumano ay pumanaw na ang North Korean leader na si Kim Jong Un. Ganunpaman, walang direktang credible source ang kahit saang malalaking media o news website mula sa ibat ibang bansa kung may katotohanan nga ba ang kumakalat na balita.

Balita mula sa Tsina

Naunang pumutok ang balita mula sa balitang inilahad ng vice-director ng HKSTV HongKong Satellite Television, na isang Beijing-backed broadcasting network. Mariin ang pagkumpirma ng network na nagsasabing nagmula sa “very solid source” ang balita. Ang post nito sa Weibo, isang messaging app ang ngayon ay kumakalat sa social media na syang nagkukumpirma ng balita. Dagdag pang balita mula sa Beijing, ang dulot ng pagpanaw ni Kim Jong Un ay diumano ang heart surgery failure nito.

Legit o Fake: Misteryo Sa Isyung Pagpanaw Ni Supreme Leader Kim Jong Un 2

Pinabulaanan

Ayon naman sa isang Japanese magazine na tinatawag na Shukan Gendai, nasa “vegetative state” diumano ang North Korean leader dulot ng kanyang hindi magandang kondisyon sa kalusugan. Pinabulaanan din nito ang isyung pumanaw na ito. Hindi pagdalo sa isang holiday Lalo pang umugong ang isyu nang mapabalita na dalawang linggo nang hindi napagkikita sa publiko ang lider ng North Korea. Nagsimula ang pagkakaroon ng ispekulasyon nang hindi umano dumalo si Kim Jong Un sa isa sa mga most celebrated holidays sa kanilang bansa, ang kaarawan ng founder ng NK at kanyang lolo na si Kim Il Sung noong Abril 15.

Private train

Inilabas naman ng US Intelligence ang satellite images ng diumano ay private train ng NK Supreme leader sa tinatawag na “leader station” noong April 21 at 23. Wala din nakitang kahina-hinalang aktibidad ang army ng North Korea, ayon sa intelligence.

Legit o Fake: Misteryo Sa Isyung Pagpanaw Ni Supreme Leader Kim Jong Un 3

Ganunpaman, ang pagkakatukoy ng kinaroroonan ng private train ni Kim Jong Un ay hindi basehan ng tunay na kalagayan ng kalusugan nito o kung ano man ang tunay na estado nito ngayon. Sa ngayon ay walang nakakaalam ng katotohanan sa likod ng pagkalat ng isyu na ito.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: