Press "Enter" to skip to content

LGBTQ Binatikos Si Xander Ford Dahil Sa Panggagamit Ng ‘Bi’ Na Sexualidad

Ilang linggo matapos umamin bilang “bisexual” ang social media personality na si Xander Ford, inulan ito ng batikos at pagdududa mula sa mga netizen. Ngayon naman, pinatutsadahan ito ng ilang LGBT groups ukol sa rebelasyon nito.

Ginagamit

Ayon sa ilang LGBT groups, ginagamit lamang umano ni Xander Ford ang paglaladlad bilang bisexual upang makatakas sa responsibilidad at reklamong kinahaharap nito. Matatandaang bago umamin bilang bisexual si Xander Ford, umugong ang pangalan nito nang ipa-Tulfo ito ng pananamantala at pananakit sa kanyang dating kasintahan. Kasunod nito ay ang pagbabalita nito sa social media na parte ito ng LGBT community.

LGBTQ Binatikos Si Xander Ford Dahil Sa Panggagamit Ng 'Bi' Na Sexualidad 2

Pahayag ng LGBT group

Lumabas ang pahayag ng grupong Equality.PH matapos magpost si Ford na nililinaw ng huli na hindi na ito parte ng LGBTQI community. Sa post ni Ford,

LGBTQ Binatikos Si Xander Ford Dahil Sa Panggagamit Ng 'Bi' Na Sexualidad 3

“Goodbye, Xandra. Welcome, Xander Ford!!”

Pahayag ng Equality.PH,

“We know. Ginamit mo lang ang pagiging ‘bi’ for publicity. Marlou is an awful human being before and after his surgery.”

Ayon sa pa sa pahayag ng grupo, hindi trial membership lamang ang usaping sexual orientation ng isang tao,

“Bisexuality, or any sexual orientation, isn’t some trial membership.”

Pinakilala

Sa pamamagitan ng isang vlog, pinakilala nito ang kanyang inspirasyon o nobyo matapos nitong ihayag ang kanyag gender preference. Ganunpaman, hindi bumenta sa mga netizen ang pasabog na ito ng binata. Marami ang nagduda at inakusahan ito na tumatakas lamang ito sa kanyang kasong kinahaharap.

Suspendido

Sa kasalukuyan, nananatiling suspendido si Xander Ford sa handler nito na Star Image Artist dahil sa mga bara-barang aksyon nito at pagiging unprofessional bilang artist.

Batikos

Patuloy na binabatikos ng mga netizen na si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay. Umigting ang karera nito nang magpasurgery ito sa tulong ng show ni Korina Sanchez na Rated K. Ang 23-ayos na social media personality ay dating myembro ng grupong Hasht5. Bagaman inuulan ng pambabatikos ang grupo, unang napansin si Marlou sa isang viral video na “papogi.”

Source: Push

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: