Press "Enter" to skip to content

Libreng Annual Medical Check-up, Aprubado ng Kamara

Last updated on August 18, 2020

Inaprubahan ng House Committee on Health ang substitute House Bill 4093, o ang Free Annual Medical Checkup Act na naglalayong bigyan ng libreng taunang medical check-up ang mga Pinoy.

Preventive care

Sa virtual hearing nitong Miyerkules, inaprubahan ng komite ang panukala na iniakda ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor.

Libreng Annual Medical Check-up, Aprubado ng Kamara 2
Source: ABS CBN News

“The recently-passed Universal Health Care Law highlights the importance of primary healthcare in promoting the health and wellness of the Filipino people.”

“Ang naipasa kamakailan lamang na Universal Health Law Law ay nagtatampok ng kahalagahan ng pangunahing pangangalaga sa kalusugan sa pagtaguyod ng kalusugan at kagalingan ng mamamayang Pilipino,” sabi ni Defensor nang isulong ang panukala.

“One of the aspects of primary healthcare is preventive care under which medical checkups fall and includes physical examinations and diagnostic tests.”

“Ang isa sa mga aspeto ng pangunahing pangangalaga sa kalusugan ay preventive care kung saan nakapaloob ang medikal na pagsusuri at may kasamang physical examinations at diagnostic tests,” dagdag niya.

Limitado muna

Sa unang bersiyon ng panukala, nakapaloob sa mungkahing free annual medical check-up ang diagnostic at laboratory tests para sa complete blood count, urinalysis, stool analysis, chest x-ray, at complete physical exam.

Ngunit sa deliberasyon ng technical working group, napagdesisyunan na limitahan na lamang ang libreng check-up sa pagsusuri sa blood sugar at total cholesterol level.

Libreng Annual Medical Check-up, Aprubado ng Kamara 3
Source: Village Pipol

Ayon kay Defensor, maaari pa naman daw itong palawakin depende sa kapasidad ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth.

“We look at the expense of these two tests per person to be covered to be less than P500 which can be expanded depending on the capability of the agency in the future,” paliwanag niya.

“Tinitingnan namin ang gastos ng dalawang pagsusuri na ito sa bawat tao na mas mababa kaysa sa P500 na maaaring mapalawak depende sa kakayahan ng ahensya sa hinaharap,” paliwanag niya.

Malaki ang maitutulong

Naniniwala ang kongresista na malaki ang maitutulong ng ganitong pagsusuri sa kalusugan para mabawasan ang mga pumapanaw sa sakit at maging ang gastos sa pagpapagamot kung maagapan ang sakit.

“In the long run, our small initial investment in giving free annual testing for blood sugar and cholesterol levels would mean less expenses for the government in the future.”

“Sa lalong madaling panahon, ang aming maliit na paunang puhunan sa pagbibigay ng libreng taunang pagsusuri para sa blood sugar at antas ng kolesterol ay nangangahulugang mas kaunting gastos para sa pamahalaan sa hinaharap,” pahayag ng kongresista.

Mula sa komite, dadalhin sa plenaryo ang panukala para muling talakayin at aprubahan. Inaasahan na maaprubahan din ang katulad na bersiyon nito sa Senado, bago ganap na maging batas.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: