Press "Enter" to skip to content

Libreng Gulay: Paano Na Matutustusan Ang Ibang Pang Mga Gastusin?

Baguio City – Philippines – Sako sakong gulay ang pinamigay na lamang ng ilang mga magsasaka sa lungsod. Sa labis na pagbulusok ng presyo ng mga bilihin ay napilitang ipamigay nalang ng bentang gulay kaysa ito’y mabulok at ibasura.

Presyo

Maraming mga magsasaka at tindero ang nalugi nang bumaba ng husto ang bawat kilo ng karamihang gulay sa pamilihan ng Baguio City. Ito ay dulot ng lockdown at mahigpit na exportation policies ng lungsod laban sa pandemya.

Libreng Gulay: Paano Na Matutustusan Ang Ibang Pang Mga Gastusin? 2
Photo Credit: Youtube – Maimai

Dahil sa sobra-sobrang supply ng mga gulay at walang gaanong demand ay napilitan silang ibaba ang presyo. Hindi na din maiangkat ito at naiipon na lamang at nabubulok.

Demand

Dahil sa baba ng mga demand sa mga gulay dulot ng lockdown at exportation ng mga gulay ay halos ipamigay na ng mga ilang tindera at magsasaka ng walang bayad ang kanilang produkto. Ito ay pagtulong sa kapwa at maiwasan ang pagkabulok at mapakinabangan pa ng mga nanga-ngailangan.

Libreng Gulay: Paano Na Matutustusan Ang Ibang Pang Mga Gastusin? 3
Photo Credit: Youtube – Maimai

Malaki ang kanilang lugi ngunit mas pinili na lamang ng iba na tumulong at magpamigay ng kanilang produktong gulay tulad ng beans, carrots, raddish, sayote at iba pang pangkaraniwang gulay na produkto ng mga karatig bayan ng lungsod. Dito ay nagagampanan parin nila ang kanilang papel na maghatid ng pagkain sa sambayanan ng kahit na walang kapalit.

Supply

Nang maimplenta ang lockdown ay sobra-sobra na ang naging supply ng gulay sa Baguio. Hindi rin umano maiangkat sa iba’t ibang lugar dulot ng restrictions at ilang mga vegetable dealers lamang ang pinapayagang bumiyahe.

Libreng Gulay: Paano Na Matutustusan Ang Ibang Pang Mga Gastusin? 4
Photo Credit: Youtube – Maimai

Patuloy parin umano ang mga ilang magsasaka sa pagtatanim ng gulay dahil sa naaambang pagbabago ng mga lockdown policies. Umaasa na aangat din ang presyo at makakabawi sa mga ilang buwan nilang pagkalugi.

Tulong

Humihingi ngayon ng tulong ang ating mga magsasaka ng ayuda mula sa pamahalaan. Ito ay upang matustusan at maibalik ang puhunan na nagastos para sa binhi, abono, at pesticide at iba pang gastusin.

Libreng Gulay: Paano Na Matutustusan Ang Ibang Pang Mga Gastusin? 5
Photo Credit: Youtube – Maimai

Patuloy parin ang diskusyon ng pamahalaan upang matustusan ang hiling ng ating mga magsasaka. Sila ngayon ang prayuridad at sa kadahilanang sila ang unang-una na nag su-supply para sa ating pangaraw-araw na pagkain.

Saksihan ang pamimigay ng sako-sakong baguio beans sa Baguio:

SOURCE: Youtube – Maimai

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: