Press "Enter" to skip to content

Libreng Internet Para Sa Mga Estudyante Mula Sa Mga Telco’s, Sinusulong Ni Senator Lapid

Manila, Philippines – Naghain ng isang resolusyon si Senador Manuel “Lito” Lapid upang magsagawa ng imbestigasyon kung may posibilidad na ang lahat ng telecommunication companies ay magbigay ng libreng internet access para sa online learning portal at educational website ng mag-aaral.

Benipisyo ng mag-aaral

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Lapid na layunin ng panukala na mabenipisyuhan nito ang lahat ng estudyante at titser sa panahon ng kalamidad at kagipitan kapag hindi maaaring gawin ang pisikal na klase.

Libreng Internet Para Sa Mga Estudyante Mula Sa Mga Telco's, Sinusulong Ni Senator Lapid 2
Photo credit: Inquirer.net

Tinutukoy ng Senate Resolution No. 416 ang kasalukuyang COVID-19 pandemic na nagresulta kaya natigil at hindi inaasahang pagsasara ng paaralan at mga education institution sa lahat ng antas ng pagtuturo sa buong bansa.

Tuloy-tuloy na edukasyon

Dagdag pa niya, mas makabubuti daw sana sa mga paaralan mula primary hanggang kolehiyo na magkaroon ng online o virtual classes para nakapag hatid ng lessons sa estudyante, magsagawa ng test at maghatid ng educational requirements.

Ani niya,

“Sa mga panahon ng kalamidad at emergency gaya na lamang ng hinaharap nating pandemya, mahalagang may malakas at maaasahang internet service ang ating mga estudyante at guro. Sa ganitong paraan lamang matitiyak na magtutuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral at pagkatuto.”

Libreng Internet Para Sa Mga Estudyante Mula Sa Mga Telco's, Sinusulong Ni Senator Lapid 3
Photo credit: Saksi Ngayon

Dagdag pa ni Lapid,

“Alam nating matagal pa babalik ang nakagawiang face-to-face o physical classes kaya sa online classes nakadepende ang ating mga estudyante para hindi titigil ang paglinang sa kanilang kaalaman.”

Online classes

Samantala, pwedeng magpatuloy ang ilang tertiary level, unibersidad at kolehiyo sa kanilang schedule anomang oras kung may kapasidad sila na magsagawa ng online classes habang magbubukas naman ang ilang institusyon na gagamit ng flexible learning system ay maaaring magbukas sa Agosto 2020.

Ayon ki Lapid,

“Sa mga susunod na buwan lalo’t habang narito pa ang banta ng COVID-19 sa ating bansa, malinaw na ang sistema ng pagtuturo ay nakasalalay na mekanismo ng online classes, online activities, projects at assignments.”

Dagdag pa niya,

“Ibig sabihin mangangailangan ang mga estudyante ng malakas at mabilis na internet para makasabay sa hinihinging pagbabago sa kanilang pag-aaral. Maging ang mga guro ay mahihirapan makapasok sa digital platforms kung ang internet ay kailangan pang bayaran.”

Pamahalaan at mga telco’s

Iginiit ni Lapid na kailangan madetermina ang posibilidad na makipag-alyansa ang pamahalaan sa telecommunication companies sa pagbibigay ng libreng internet access kahit nasaan mag-log-in ang estudyante at titser, bumisita o gumamit ng online learning portals.

Wika niya,

“Free internet will also be a requirement for students who will need to use online libraries, educational websites and similar digital platforms during times when physical classes cannot be conducted.”

Para sa parating na school year 2020-2021, isinusulong ng Department of Education (DepEd) na simulan ang klase sa Agosto 24 pero hindi na gagawin ang tradisyunal na face-to-face learning sa loob ng silid-aralan. Ibig sabihin, mapipilitan ang mga paaralan na ipatupad ang alternatibong learning delivery modalities tulad ng online classes.

Inisyatibo ng DepEd

Kasabay nito, pinuri naman ng senador ang inisyatiba ng DepEd sa pagtatayo ng DepEd Commons na isang online delivery platform na nakadisenyo bilang alternatibong moda sa teaching-learning process kapag suspendido ang klase at katulad na pangyayari.

Ayon sa kaniya,

“DepEd for it part, was also able to partner with certain telecommunications companies to give teachers and learners free internet access to the website.”

Iginiit pa ni Lapid na kapag panahon ng kalamidad at kagipitan tulad ng COVID-19, hindi prayoridad ang internet subscriptions sa mahihirap na pamilya o doon sa pamilya na income–earners na nawalan ng trabaho o negosyo.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: