Press "Enter" to skip to content

Libreng Pananghalian At Face Mask Alay Ng Isang Pamilya Sa Mga Frontliners Sa Caloocan

Caloocan, Philippines – Isang pamilya ang tumutulong sa mga frontliners sa Quezon City. Ito ay sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng pananghalian at face mask.

Libreng pananghalian

Ayon sa post ni Karl mina Dela Cruz, namigay ang kanyang mga magulang ng libreng pananghalian at face mask sa mga frontliners ng Quezon, City.

Libreng Pananghalian At Face Mask Alay Ng Isang Pamilya Sa Mga Frontliners Sa Caloocan 2
Facebook

Makikita sa kanyang post na galing pa sa isang fast food restaurant ang kanilang ipinamimigay na pananghalian.

Nasimulang Mamigay

Sinimulan nila ang pamimigay noong Abril 1, 2020. Umabot na sa 260 na pananghalian, 260 na face mask, at daang daang relief goods ang naipamigay na nila.

Libreng Pananghalian At Face Mask Alay Ng Isang Pamilya Sa Mga Frontliners Sa Caloocan 3
Facebook

Dahil sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa si Karl, sa pamamagitan na lang ng cellphone siya nakikibalita.

Sakripisyo

Dahil sa kabutihang ipinakita ng kanyang mga magulang, hindi maiwasan ang matuwa ni Karl. Ginagawa nilang makabuluhan ang bawat oras na lumilipas na siyang naging malaking tulong sa ibang tao.

Dagdag pa niya, hindi niya inaasahan ang pagtulong na ito ng kanyang mga magulang.

Libreng Pananghalian At Face Mask Alay Ng Isang Pamilya Sa Mga Frontliners Sa Caloocan 4
Facebook

Idinideliver nila ang mga nasabing tulong sa mga lugar kung saan may mga frontliners na nangangailangan ng tulong. Dahil sa naranasan din nila noon na maghintay ng tulong ng iba. At ngayon, sila naman ang binigyan ng pagkakataon upang tumulong sa iba sa panahon ng krisis.

Mensahe

“You guys work so much!! Thank you!  Thank you so much for allowing yourselves to be used by God. You guys are truly a blessing to many people around you. Praying for your everyday strength, protection and peace. Love you all!”

Sa dami ng tao sa Pilipinas ay may isang tao nasa ibang bansa ang nagsusumikap tumulong upang ipamahagi ang kabutihang loob para sa ating mga frontliners. Saludo kami sayo at sa iyong pamilya sa walang sawang pagtulong sa kapwa.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: