Press "Enter" to skip to content

Libreng Sakay Para Sa Frontliners Handog Ng Isang Pedicab Driver

Alam natin na may malaking problema na hinaharap ang ating bansa bukod pa dito, apektado na ang karamihan. Maraming mga kompanya at ilang establisyemento ang nagsara at dahil dito marami rin ang nawalan ng hanapbuhay. May mga tao naman na kailangan pumasok sa trabaho pero walang masakyan, dahil wala ng halos bumabyahe na sasakyan. Higit sa lahat, ang mga taong tinatawag na frontliners na hindi alintana ang maaaring dulot na kapahamakan sa kanila.

Handog Na Libreng Sakay

Sa kabila ng dinaranas na hirap ng mga tao ngayon, nakakataba ng puso na may isang taong nagmamalasakit sa kanyang kapwa. Isang pedicab driver ang naghandog ng libreng sakay sa mga tao na walang bayad. Pinapasakay niya yung mga frontliners na kailangang pumasok, tulad ng mga healthworkers, mga kawani ng gobyerno at iba pa. Libre din sa sakay ang mga taong bibili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamit sa bahay, at mga gamot.

Kahit anong abot namin nang bayad di nya tinanggap.Salamat sayong kawang gawa kuya Gnuhc Bacunin .Mabuhay ka! ❤️

Posted by Rai Carl on Wednesday, March 18, 2020

Ang Pedicab Driver Na May Mabuting Puso

Dahil sa pagpost ni Rai Carl sa kanyang Facebook, nakilala ang isang pedicab driver na si Chung Bacunin, taga Pasig. Siya ay naging trending sa social media dahil sa libreng sakay na binibigay niya sa mga tao. Dahil sa kabutihan ng kanyang puso marami siyang natutulungan. Lalo sa panahon ngayon na halos wala ng masakyan ang mga tao papuntang trabaho at pauwi. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabutihang loob, na kahit anong pilit nilang magbigay ng bayad ay hindi niya ito tinatanggap.


Dapat Tularan

Sa panahon ng pagsubok o problema mas kinakailangan natin lahat ang magtulungan. Tulad na lamang isang Pedicab Driver na si Chung Bacunin  na naghahandog ng libreng sakay. Sa kanyang munting paraan, malaking tulong ang nagagawa niya para sa kanyang kapwa. Ayon kay Chung, sa oras ng ganitong sitwasyon mahalaga na matutunan natin ang pagtulong sa ating kapwa.  Nakakataba ng puso at dapat tularan ang mga taong handang tumulong sa ganitong pagkakataon.

Libreng Sakay Para Sa Frontliners Handog Ng Isang Pedicab Driver 2

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: