Press "Enter" to skip to content

Lider ng Almazan Drug Group Patay, Mga Miyembro Nahuli Sa Laguna

Batangas City, Philippines – Isang kilabot na drug group leader ang nasawi kamakailan matapos maka-ingkwentro ang Sta Rosa Police. Nanlaban umano ang suspek kaya siya’y pinaputukan ng mga awtoridad at siya rin ang ikinamatay nito.

Tulak

Si Mark Anthony Almazan o mas kilala bilang Michael Almazan, residente umano ng Sta. Rosa City, Laguna ang tinuturong lider ng isang local na drug group. Isa rin siya umano sa mga kilalang kilabot na pusher sa lugar.

Lider ng Almazan Drug Group Patay, Mga Miyembro Nahuli Sa Laguna 2
Photo Credit: GMA News Online

Nakatakas umano si Almazan sa nakaraang buy-bust operation sa Silang Cavite nang biglang nagpaputok at nakipagpalitan ng putukan sa mga awtoridad. Nakatakas umano si Almazan at dali-daling nagtungo sa Batangas upang magtago ngunit ito’y natunugan ng mga awtoridad.

Engkwentro

Maghahating-gabi ng Biyernes ng makumpirma ng Intelligence Police ang kinaroroonan ni Almazan. Pinlanong mabuti ng mga awtoridad ang pagsagupa kay Almazan at inaasaam at pilit na iniiwasan ang muling pagtakas nito katuland nakaraang pagtakas niya sa Cavite.

Lider ng Almazan Drug Group Patay, Mga Miyembro Nahuli Sa Laguna 3
Photo Credit: GMA News Online

Pinasusuko umano si Almazan ng matiwasay ngunit nakipagmatigasan pa ito at nakipag-palitan ng putukan sa mga awtoridad. Itinakbo pa siya sa bahay pagamutan ngunit dito na siya nasawi matapos ang kanyang tinamong mga tama.

Kasabwat

Kasama sa mga nahuli pagkatapos ng engkwentro ay ang kanyang ina, kapatid at live-in partner. Sila umano ay umamin na may kaugnayan sa iligal na droga at sa pamumuno ni Almazan.

Lider ng Almazan Drug Group Patay, Mga Miyembro Nahuli Sa Laguna 4
Photo Credit: GMA News Online

Kasama ring nahuli at sumuko ang 8 pang hini-hinalang mga myembro ng Almazan drug group sa magkaka-hiwalay na engkwentro sa Laguna. Sangkot din sila umano sa pagbebenta ng iligal na droga.

Buy-bust

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang buy-bust operation kontra sa grupo ni Almazan sa Barangay Kaong, Silang Cavite. Dito nakipagpalitan ng putok ang si Almazan at ang kanyang grupo kontra sa mga awtoridad.

Lider ng Almazan Drug Group Patay, Mga Miyembro Nahuli Sa Laguna 5
Photo Credit: GMA News Online

Dito narin nakatakas si Almazan, ngunit dito na din nasawi ang kanyang  kanang kamay na si Noel Reyes o kilala bilang alyas “Omlo”. Nakumpiska sa kanya umano ang 6 na sachet ng hinihalanag shabu o crystal meth.

Tunghayan ang buong kwento sa GMA News Online

Source: Youtube – GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: