Press "Enter" to skip to content

“Ligtas Sanang Makauwi”, Dulog Ng Mga OFW Kay Idol Raffy Tulfo

Riyadh, Saudi Arabia – Ilang mga kababayan natin ang humihingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo at sa ating gobyerno na sila’y matulungang makauwi. Sa malungkot na salaysay nila ay pina-palayas na sila ng kanilang amo sapagkat hindi na niya sila masuportahan dahil sa pagkakatigil ng trabaho dulot ng epidemyang ito.

Palugit

Ayon sa taga-pagsalaysay ng grupo sila ay binigyan sila umano ng kanilang amo ng dalawang linggo at may natitira pang limang araw upang dumulog sa mga kina-uukulan upang humigi ng tulong. Napatigil ang kanilang trabaho dulot ng Covid-19 virus.

“Ligtas Sanang Makauwi”, Dulog Ng Mga OFW Kay Idol Raffy Tulfo 2
Photo Source: Facebook – Pha Chu Chay

Ani nila,

“Wala na daw po siyang maipapabayad sa bahay namin dito kung hindi kami magta-trabaho.”

Sila ay mga on-call salon workers sa bansang Saudi Arabia. At ayun sa Ministry of Health ng Saudi Arabia ay pina-pahinto muna ang operasyon nila dulot ng Covid-19.

Wala pang Tulong

Dumulog din sila sa ahensiya ng Philippine Overseas Labor Office of POLO ngunit kadalasang sarado umano ang kanilang opisina. Naipa-abot narin umano ang kanilang hinaing sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at binigyan umano sila ng phone number ngunit sa kasamaang palad ay wala raw sumasagot.

Lumapit din umano sila sa kanilang ahensiya sa Pilipinas ngunit pinayuhan lang daw sila na i-withdraw ang kanilang reklamo sa POLO. Sinabihan din umano sila na dumulog sa Saudi Labor o Ministry of Labor and Social Development.

Pagkabahala

Hinihiling umano nila na sila ay matugunan sa madaling panahon sa takot na magkasakit at umabot sa kamatayan. Sa nakakalungkot na salaysay ng tagapagsilta ng grupo ay sinabi umano ng amo nila tutulong na lamang siya kapag sila ay nasa malubhang kalagayan na.

“Ligtas Sanang Makauwi”, Dulog Ng Mga OFW Kay Idol Raffy Tulfo 3
Photo Source: Facebook – Pha Chu Chay

Dagdag pa niya,

“Saka nalang po niya kami tutulungan kung may magkakasakit o kung may mamatay man.”

Mag-aapat na buwan ng walang sahod ang ating mga kababayan at sa kasamaang palad ay umaasa nalang sila sa natitirang huling naimbak nilang pagkain. Kapag naubos umano ito ay wala nang maibibigay ang kanilang amo sa kadahilanang wala na silang trabaho.

Illegal na Iqama

Salaysay ng tagapagsalita, ay illegal umano ang kanilang Iqama o nature of work nang sila’y nadestino sa Saudi. Naila-lahad umano sa kanilang dokumento na sila’y katulong o domestic helper ngunit ang kanilang trabaho ngayon ay on-call salon workers.

Ikanakabahala nilang mag-pursigi na mag-trabaho sa kadahilanang masita o makulong ng mga pulis at mahuling nagsi-sinungaling. Dagdag narin ang takot nilang mahawa ng nakakatakot na virus.

Pagdulog

Labis na lungkot at pagkabahala ang dinaranas umano ng ating mga kababayan. Sila rin umano ay nawawalan na ng pag-asa at pagpipilian kaya ninais na nilang lumapt kay Sir Raffy Tulfo.

“Ligtas Sanang Makauwi”, Dulog Ng Mga OFW Kay Idol Raffy Tulfo 4
Photo Source: Facebook – Pha Chu Chay

Sambit ng tagapagsalaysay,

“Sir Raffy, alam po namin na napakaraming mga kababayan po natin ang humihingi ng tulong po sa inyo. Pero sana po matulungan niyo din po kami at lalong-lalo na po sa ating Presidente na matulungan niyo po kami.”

Hinihiling nila na sila nawa’y matugunan at ninanais na makauwi sa kani-kanilang pamilya. Ito na lamang ang kanilang huling hiling na ligtas sanang makaalis sa bansang Saudi pabalik ng Pilipinas.

Tunghayan rito ang kanilang hinaing: Facebook – PHA CHu ChAy

Please paki share naman eto Para makarating Kay #raffytulfoinaksyon at kung sino pa pwede makatulong sa kanila😢Ilang araw na lang ang palugit na bigay ng amo nila at papaalisin nasila sa accomodation nila Dahil d na kaya bayaran ng amo nila ang rent sa bahay kasi walang trabho nag wowork po sila dito Sa saudi arabia sa SALON at dahil sa covid19 d sila pwede makapagwork sa kadahilanang araw araw dumadami ang infected .APAT NA BWAN NA PO SILANG WALANG SAHOD AT PAGKAIN NILA HANGGANG NGAUNG ARAW NALANG PO SANA PO MAY MAKATULONG SAKANILAWALA PO SILA MAPUPUNTAHAN KUNG SAKALI PAALISIN NA SILA SA ACCOMODATION NILASAKA NALANG DAW TUTULONG ANG AMO NILAKUNG MAY MAMATAY O MAGKAKASAKIT SA KANILASIRADO DIN ANG POLOPLEASESHARE NYO POETO PO ADDRESS NILA AT CONTACT NUMBER 4207 ar Radadi almathar umalhammam….+966552728357

Posted by PHA CHu ChAy on Tuesday, June 16, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: