Press "Enter" to skip to content

Limang Pulis Na Kasama Ni Mayor Zamora, Sinibak Ni Major General Sinas

Sibak sa pwesto ang limang pulis na kasama ni Mayor Francis Zamora ng San Juan matapos sumuway sa Health at security protocol na ipinatutupad sa Baguio City nitong nakaraang linggo ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Debold Sinas.

Major General Debold Sinas

Nagbigay na ng utos si Sinas sa paglipat ng limang nasabing pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Limang Pulis Na Kasama Ni Mayor Zamora, Sinibak Ni Major General Sinas 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Sabi ni Sinas,

“I will not condone any wrongdoing of our police officers in the implementation of the Community Quarantine protocols, if held responsible. We, as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines,”

(Hindi ko kukunsintihin ang mga pagkakamali ng mga pulis sa pagpapatupad ng community quarantine protocol. Bilang mga alagad ng batas, dapat nating respetuhin ang panuntunan at regulasyon saan man sa Pilipinas)

Matatandaan kamakailan ay humarap din sa kontrobersiya si Sinas noong magdiwang siya ng kanyang kaarawan at nagkaroon ng pagtitipon kahit nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang insidente sa Baguio City

Matatandaan na umalma ang alkalde ng Baguio City na si Benjamin Magalong sa ginawang paglabag ng convoy nila Mayor Zamora. Ayon kay Magalong, pagdating sa Kennon Road checkpoint, huminto lang sandali ang convoy at kaagad umalis papunta sa Baguio Country Club na hindi sumailalim sa mandatory triage health examination na ipinatutupad sa sinomang papasok ng lungsod ng Baguio.

Limang Pulis Na Kasama Ni Mayor Zamora, Sinibak Ni Major General Sinas 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Ayon kay Magalong,

“No one, regardless of rank and position, is exempted from the health and safety protocols when entering the city’s borders.”

Paghingi ng paumanhin

Ayon kay San Juan Mayor Zamora, nakausap na niya si Mayor Magalong at humingi na siya ng paumanhin sa nagawang paglabag. Ani Zamora, tulog siya noong pagdaan nila sa nasabing checkpoint kaya hindi niya alam ang nangyari.

Limang Pulis Na Kasama Ni Mayor Zamora, Sinibak Ni Major General Sinas 4
Photo Credit: CNN Philippines

Nagpunta sila Zamora sa Baguio upang masamahan at makapagpahinga ang kanyang asawa na mayroon breast cancer. Mayroong bahay ang pamilya ng kanyang misis sa Baguio kaya doon muna siya habang nagpapagaling, dagdag ni Zamora.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: