Press "Enter" to skip to content

Liquor Ban Sa Bacolod City, Pinalawig Muli

Ang liquor ban ay nananatiling epektibo sa Bacolod dahil naglabas si Mayor Evelio Leonardia ng Executive Order (EO) 53 nitong Linggo, Agosto 16 na in-extend ng dalawang linggo pa ang modified general community quarantine (MGCQ) ng lungsod sa ikalimang beses hanggang Agosto 31.

Pagpapatupad muli

Ipinatupad muli ng pamahalaang lungsod ang pagbabawal sa pagbebenta at pagbili ng alak o anumang anyo ng mga inuming nakalalasing mula Hulyo 31 hanggang Agosto 15 na itinakda sa EO 50, matapos na alisin ng alkalde ang ban sa pamamagitan ng EO 39 noong Hunyo 1, ang unang araw ng MGCQ sa Bacolod.

Liquor Ban Sa Bacolod City, Pinalawig Muli 2
Photo Source: Philippine News Agency

Nakasaad sa Section 6 ng EO 53,

“Selling and buying of liquor or any form alcoholic beverages from the producers, distributors, retailers/wholesalers, restaurants, refreshment parlors, pubs, night clubs, sari-sari stores, and other similar entities is prohibited in the duration of the EO or until further notice,”

(Ang pagbebenta at pagbili ng alak o anumang anyo ng mga inuming nakalalasing mula sa mga producer, distributor, retailers/wholesalers, restawran, refreshment parlors, pub, night club, sari-sari store, at iba pang katulad na mga enitites ay ipinagbabawal sa duration ng EO o hanggang sa susunod na pagpaalala.)

Dagdag pa nito, saklaw din ng ban ang pag-inom at pagkonsumo ng mga inuming nakalalasing sa lahat ng mga pampublikong lugar tulad ng, ngunit hindi limitado sa, entities na pangnegosyo na nabanggit sa itaas, o sa anumang pampublikong lugar tulad ng mga sidewalk, side street, alleys, kalye, kalsada, bukas na pribadong lugar/area na walang mga bakod o enclosure.

Pakonti-konting pagbabalik sa normal

Sinabi ni Leonardia na ang pagpapatuloy ng MGCQ ay nangangailangan na ang mga Bacolodnons ay magsagawa ng ilang kinakailangang pagbabago sa pamumuhay dahil ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay nagdudulot pa rin ng banta sa buong mundo.

Liquor Ban Sa Bacolod City, Pinalawig Muli 3
Photo Source: Sunstar

Dagdag niya,

“Bacolodnons still have to take necessary health precautions under the MGCQ while it aims to eventually graduate into the ‘new normal’ while allowing some normalcy back into our community life.”

(Ang Bacolodnons ay kinakailangang gumawa ng kinakailangang mga pag-iingat sa kalusugan sa ilalim ng MGCQ habang naglalayong tuluyang matapos sa ‘new normal’ habang pinapayagan ang ibang normal na ibalik sa ating buhay pamayanan.)

Mga inisyung EO

Noong Marso, inisyu ni Leonardia ang EO 25 na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at iniutos ang pagsasara nn videoke bar, at internet stations sa lungsod bilang bahagi ng mas mahigpit na mga hakbang sa physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

Liquor Ban Sa Bacolod City, Pinalawig Muli 4
Photo Source: Politiko Visayas

Bago tuluyang alisin ang liquor ban sa pamamagitan ng EO 39, inisyu ng alkalde ang EO 37, na pinapayagan ang bahagyang pag-alis ng pagbabawal sa pagbebenta ng alak at pinapayagan ang pagkonsumo ng mga ito sa loob lamang ng mga bahay.

Gayunman, sinabi ng EO 39 na ang tuluyang pag-alis ng ban sa pagbebenta ng alak, wine, beer, o anumang alkohol o nakalalasing ay sumasailalim sa patuloy na pagsusuri.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: