Press "Enter" to skip to content

Live Ngayong Agosto, Kauna-unahang All-Filipino Online Bookfair

Ang unang All-Filipino online bookfair na “AKLATAN” ay magkakaroon ng live sa kalagitnaan ng Agosto para sa mga mahilig sa libro.

Kauna unahang online book fair

Ang Book Development Association of the Philippines (BDAP) ​​ay nag-oorganisa ng online event mula Agosto 16-18, 2020, upang hikayatin ang mga mambabasang Pinoy na suportahan ang mga lokal na manunulat at publisher.

Live Ngayong Agosto, Kauna-unahang All-Filipino Online Bookfair 2
Photo Source: Book Development Association of the Philippines Facebook Page

Sinabi ng BDAP sa kanilang Facebook post,

“Watch out for the first-ever, All-Filipino online bookfair, AKLATAN on Shopee from August 16-18, 2020.”

(Abangan ang kauna-unahang, All-Filipino online bookfair, AKLATAN sa Shopee mula Agosto 16-18, 2020.)

Paggaganapan ng book fair

Ang bookfair ay gaganapin online sa pamamagitan ng virtual marketplace, ang Shopee, dahil ang mga pagtitipon ay ipinagbabawal sa ilalim ng muling ipinataw na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus disease. Ito ay pati upang makatulong sa medical community mula sa pagkapagod nila dahil sa pandemiya.

Ang kauna-unahan na online bookfair ay tamang tamang gaganapin bago ang pagbubukas ng mga klase sa Agosto 24 tulad ng inihayag ng Department of Education (DepEd).

Mae-enjoy ng mga mamimili ang paghahanap at pagbili ng libro nang hindi umaalis sa kanilang mga tahanan at hindi manganganib na makakontak ang virus.

Mga sumali sa book fair

Narito ang listahan ng mga publisher na sumali sa kauna-unahang All-Filipino online bookfair:

19th Avenida Publishing
Adarna House
Alpha Stream Marketing
Anvil Publishing
Asia/Pacific Circulation Exponents
Ateneo De Manila University Press
Ateneo de Naga University Press
Bookware Publishing Corp
Central Books Supply
Chapter House Publishing
Christian Literature Crusade
Church Strengthening Ministry
Cunanan Map House
FELTA Multi-Media
FEU Publications
Forefront Book Co., Inc.
Great Books Trading
Institute of Spirituality (ISA-Jecho Publishing)
MSA Publishing
New Day Publishers
OMF Literature
Our Daily Bread Ministries Philippines
Philippine Christian Literature, Inc.
Phoenix Educational Services, Inc.
Precious Pages and Lampara House
Saint Mary’s Publishing
Salinlahi Publishing House
San Anselmo Publications
St. Matthew’s Publishing
Summit Media
Tahanan Books
University of Santo Tomas Publishing House
University of the Philippines Press
Wizard Publishing Haws
WS Pacific Publications

Live Ngayong Agosto, Kauna-unahang All-Filipino Online Bookfair 4
Photo Source: Good News Pilipinas

Nobyembre noong nakaraang taon nang huling nag-organisa ang BDAP ng pinakamalaking All-Filipino Bookfair sa Pilipinas na ginanap sa SM Megamall sa Mandaluyong City upang maipakilala ang mga Pilipinong manunulat at ang local book industry.

Source: Good News Pilipinas

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: