Press "Enter" to skip to content

Livelihood Aid Program, Inilunsad Ng Pangasinan

Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Abig (heal) Pangasinan Livelihood Project upang mapabuti ang kalagayang sosyo-ekonomiko sa lalawigan sa gitna ng coronavirus (Covid-19) disease pandemic.

Kabuhayan Palengke Karaban

Sa isang pahayag nitong Lunes, Hulyo 27, sinabi ni Gobernador Amado Espino III na ang proyektong pangkabuhayan ay nahahati sa dalawang komponent –Kabuhayan Palengke Karaban, at ang Karagdagang Pangkabuhayan (Cash for Work).

Livelihood Aid Program, Inilunsad Ng Pangasinan 2
Photo Source: Wikipedia

Sabi niya,

“Kabuhayan Palengke Karaban is an all-year activity to uplift the income of Pangasinense farmers, fisherfolks, and animal farm growers. The provincial government will buy products offered by small vendors, such as vegetables, meat, and others. All sold commodities from this program will be brought to the 14 provincial government-run hospitals to be served as meals for patients.”

(Ang Kabuhayan Palengke Karaban ay isang buong taon na aktibidad upang mapataas ang kita ng mga magsasakang Pangasinense, mangingisda, at mga animal farm growers. Bibili ang pamahalaang panlalawigan ng mga produktong inaalok ng maliliit na nagbebenta, tulad ng mga gulay, karne, at iba pa. Ang lahat ng mga nabili na bilihin mula sa programang ito ay dadalhin sa 14 na ospital na pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan upang maihain bilang mga pagkain para sa mga pasyente.)

Karagdagang Pangkabuhayan

Dagdag niya, nilalayon ng Karagdagang Pangkabuhayan na magbigay ng karagdagang financial capacity sa iba’t ibang sektor.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang proyekto ng komunidad na makikinabang ang publiko, partikular na ang mga taong may kapansanan (PWD) na may cash incentives na PHP400 bawat isa.

Sabi pa niya,

 “Aside from PWDs, the Abig Pangasinan Project will also target different sectors such as women, solo-parents, child development workers, LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) communities, and out-of-school youths.”

(Bukod sa PWDs, ang Abig Pangasinan Project ay target din ang iba’t ibang sektor tulad ng mga kababaihan, solo-parents, child development workers, LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community at out-of-school youths.

Mga lugar na paggaganapan at ipinagganapan

Ang Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office ay naglaan ng PHP2.7 milyon para sa proyekto na gagamitin mula Hulyo hanggang Disyembre 2020.

Nauna nang ginanap ang proyekto sa bayan ng Mangatarem noong Hulyo 24, Biyernes at sa bayan ng Laoac noong Hulyo 25, Sabado.

Nakatakdang isagawa ito sa bayan ng San Fabian sa Hulyo 30 at 31.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: