Press "Enter" to skip to content

Liza Soberano, Nasaktan Sa Sinabi Ni Aljur Abrenica

Manila, Philippines — Hindi matanggap at nasaktan ang kapamilya actress na si Liza Soberano sa binitawang statement ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica hinggil sa ABS-CBN franchise.

Reaksyon ni Liza

Sa kaniyang Instagram account, nag share si Liza ng tweet mula sa Star Cinema’s at retweet mula ki James Banaag. Ayon sa naturang post ni Banaag,

“Nakakalungkot lang na may mga artista pala kaming hindi talaga naiintindihan ang buong pangyayari.”

Liza Soberano, Nasaktan Sa Sinabi Ni Aljur Abrenica 2

At ni-retweet naman ito ni Liza na may katagang “OUCH!” bago niya ito nilagay sa kaniyang Instagram account.

Sinabi ni Aljur

Sa kaniyang recent online conference para sa “Escape from Mamasapano” nagpahayag si Aljur ng kaniyang saloobin at sinabi nitong habang sinusuportahan niya ang network’s franchise renewal bid, ang laban ng ABS-CBN ay hindi niya laban.

Ani nito,

“Hindi naman sa hindi ako vocal. Actually, pro-franchise po ako. Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin. Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.”

Kaya naman hindi maiwasan na mag bigay ng komparison ang sinabi ni Aljur sa binitawang salita ng Kapuso Actress na si Jennylyn Mercado na nagpakita ng all out support sa ABS-CBN.

Reaksyon ng bashers

Hindi naman maiwasang mag bigay ng komento ang mga netizens sa binitawang salita ni Aljur at sumagot sa naturang Twitter thread.

Ayon sa mga netizens,

“Bat wala man Lang ako nakitang post c Aljur na nakikisimpatiya sa pagka sarado ng ABS katulad ng ginagawa ng mga kapwa artista niya na under ABS CBN.”

“Kasi po yung father in law Niya is pro-duterte.. Kung susuport siya sa abs..baka magalit sa kanya si Robin.. Pero deep inside nakikisimpatya Yan siya.”

“Pero c Kylie na asawa nag post ng pakikisimpatiya.”

“Feeling safe kasi sya. Their fight is their fight. Hoy aljur nung nalaos ka binigyan ka ng work ng abs cbn ni post sa social para damayan mo mga nag wowork sa abs wala ka. Grabe ha.”

Si Aljur ay son-in-law ni Robin Padilla, na Ama ng kaniyag asawa at Kapuso star Kylie Padilla. Samantala, hindi naman nag bigay ng bagong pahayag si Aljur ukol sa usaping ito. Tanong tuloy ng marami, whats the real score nga ba Aljur?

Source: Twitter/James Banaag

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: