Press "Enter" to skip to content

Lockdown Sa Buong Metro Manila Posibleng Ibalik Ayon Sa Pangulo

Manila – Nagbabala ang Malacañang na maaari ibalik ng pamahalaan ang lockdown sa buong Metro Manila. Ito ay kung makikitang patuloy na tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Paalala ni Roque

Pinaalalahanan ni Presidential Spokesperson ang mga residente ng metropolis na hindi pa tuluyang tapos ang laban kontra COVID-19. Aniya, kaya ibinaba sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang nasabing lugar ay dahil umaasa sila na magiging responsable ang mga residente upang hindi na tumaas pa ang bilang ng nagpopositibo.

Lockdown Sa Buong Metro Manila Posibleng Ibalik Ayon Sa Pangulo 2
MECQ TRAFFIC / MAY 18, 2020 Volume of vehicular traffic along Marcos Highway at the boundary of Antipolo and Marikina cities on the first day of work amid the implementation of modified enhanced community quarantine. INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Sabi ni Roque, “We expect everybody’s full cooperation. If there’s no full cooperation, we will go back to [enhanced community quarantine] because the state cannot be remiss in its obligation to protect the health of its citizens,”

Pagdumog sa mga mall

Ang babalang ito ay kaugnay ng pagdumog ng mga tao sa mga mall noong unang araw ng MECQ. Sa mga ulat kasi, kitang kita na nagdagsaan ang mga residente at kanya kanyang pamimili na di na inaaalintana kung nasusunod ba ng maayos ang social distancing.

Lockdown Sa Buong Metro Manila Posibleng Ibalik Ayon Sa Pangulo 3

Pangamba ng Palasyo, baka magkaroon ng second wave ang pandemic sa ating bansa kung patuloy ang ganitong pag uugali ng mga residente. Takot ang pamahaalan na magaya sa mga bansang tulad ng South Korea at Japan na biglang dumami muli ang kaso ng virus mula ng biglang pagtanggal nila ng lockdown.

Dagdag ni Roque, “If we keep this up, all of us will receive not financial aid but COVID-19.

Pagsegunda ni Vergeire

Ang babala na ito ay sinegundahan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Aniya, hindi ibig sabihin na lumuwag ang protocol sa Metro Manila ay wala na ang banta ng virus.

Aniya, “We understand that the easing of [restrictions] helped reduce the mental stress brought about by the two-month lockdown. We are now hopeful that we could already go back to work, which will unburden us of the financial stress,”

“But we remind everyone, the fight against COVID-19 is not yet over. This is only the start of the new chapter of our fight,” dagdag ni Vergeire.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: