Press "Enter" to skip to content

Lola Kaawa-awa Ang Sinapit; Netizen Nanawagan Ng Tulong!

Sa isang video na inupload sa social media ay makikita ang sinapit ng kaawa-awang lola sa kamay ng malupit niyang amo sa kaniyang tinitirahan. Ilang netizen nanawagan ng tulong.

Panawagan para kay lola

Sa facebook post ni Fem Gav Ron sa video noong Miyerkules July, 8 kung saan humihingi ito ng tulong para sa isang lola na makikitang pinapalayas sa tinitirahan ng kanya mismong pinagsilbihang amo sa loob ng ilang taon. Kaya naman ang lola ay kinaawaan ng maraming netizen at ang ilan sa mga ito ay nanawagan na sana ay matulungan ito.

Panawagan- Barangay
Photo Credit: Facebook

Aniya ni Fem,

“Grabe talaga ang taong walang puso kahit sa gitna ng pandemic nakukuha pa ring mang api ng kapwa. Pagkatapos pakinabangan ay palalayasin nalang basta basta. Sana may tumulong kay nanay”.

Ang video

Galit na galit ang mismong kumukuha ng video ng mga oras na iyon na siyang nagtatanggol sa lola, at sinabi sa amo nito na hindi umano makatao ang kaniyang ginagawang pagpapalayas sa lola na halos ilang taon na nanilbihan sa kanila. Sa galit nito dahil sa ginagawang pagpapalayas ay sinabi nitong kahit saan pa sila umabot ay hindi nito uurungan ito at hinamon pa nito ang amo na ilabas ang titulo ng bahay nito kung talagang ito ay kaniyang pag-aari.

Ang Video- Barangay
Photo Credit: Facebook

Sinabihan diumano ng barangay ng lugar ang amo na hindi umano maaring basta na lang nito palayasin ang lola ngunit hindi nakinig ang amo at patuloy na inilabas ang mga gamit ng matanda.

Aniya,

“Pinalayas nyo walang abiso, umuulan? Itatapon niyo yung gamit.”

Hindi makatao

Samantala, ang ginawang ito ng amo sa pagpapalayas sa matanda ay sadyang hindi makatao. Sinabi pa ng kumukuha ng video na puro lang umano kuda ang amo pero wala naman maipakitang titulo ng kaniyang bahay at hinamon pa din nitong tawagin ang kanilang kapitan upang makita ang kaniyang ginawang pagpapalayas sa nakaawang lola.

Hindi Makatao- Barangay
Photo Credit: Facebook

Ang video ay umabot na sa 2.3M views at nagkaroon ng iba’t-ibang rekasyon mula sa netizen, habang may iba naman na nais malaman ang kinaroroonan ng lola upang ito ay matulungan.

Narito ang nasabing video

Grabe talaga ang taong walang puso kahit sa gitna ng pandemic nakukuha pa ring mang api ng kapwa. Pagkatapos pakinabangan ay palalayasin nalang basta basta. Sana may tumulong kay nanay.😦Ctto: video owner.

Posted by Fem Gav Ron on Tuesday, July 7, 2020

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Fem Gav Ron

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: