Press "Enter" to skip to content

Lolo Na Binigyan Ng Bagong Padyak Ni Idol Raffy, Pumanaw na!

Last updated on June 4, 2020

Pumanaw na si Antonio Palao o mas kilala bilang si lolo Tony na dati nang natulungan ni Sir Raffy Tulfo. Dadalawin at kukumustahin lang sana siya at ang kaniyang asawang si lola Lourdes ng mga staff ni Sir Raffy ngunit isang malungkot na balita ang sumalubong sa kanila.

Balik-tanaw

Taong 2018 nang pumunta sina lolo Tony at lola Lourdes sa programang Raffy Tulfo in Action upang humingi ng tulong para mahanap ang kanilang ninakaw na padyak o pedicab. Ito ang kinabubuhay ni lolo Tony at kahit na may edad na siya, ang pagpapadyak, aniya, ang nagpapalakas sa kaniya. Bilang tugon, binigyan siya ng bagong padyak ni Idol Raffy upang maipagpatuloy ang kaniyang hanapbuhay. Bukod pa rito, nabigyan din silang mag asawa ng pera, cellphone at groceries. 

Lolo Na Binigyan Ng Bagong Padyak Ni Idol Raffy, Pumanaw na! 2
Photp credits to Youtube

Malungkot na balita

Bahagi ng ginagawang pagtulong ni Idol Raffy ngayong lockdown o quarantine ay ang pagkumusta sa mga dating complainant ng Raffy Tulfo in Action at Wanted sa Radyo. Sinabihan niya ang kaniyang mga staff na dalawin sina lolo Tony at lola Lourdes sa Bagong Silang, Caloocan City upang alamin ang kanilang kalagayan. Naiyak sa tuwa si lola Lourdes pagdating ng staff ngunit nauwi sa paghagulgol nang ibalita niya ang pagpanaw ng kaniyang asawang si lolo Tony.  

Disyembre 17, 2019 nang pumanaw si lolo Tony dahil sa karamdaman. Ipinakita ni lola Lourdes ang mga huling larawan ni lolo Tony kung saan makikita na sa loob siya ng kanyang bagong pedicab nagpapahinga habang may sakit. Sa kasamaang palad, sa mismong pedicab na din siya binawian ng buhay. Nagluluksa pa din si lola Lourdes at dahil wala na ang nagtataguyod sa kanila, umaasa lang siya ngayon sa mga bigay o relief goods.

Lolo Na Binigyan Ng Bagong Padyak Ni Idol Raffy, Pumanaw na! 3
Photo credits to Youtube

Aksyon ni Idol

Nakarating kay Sir Raffy ang malungkot na balita at agad naman siyang nagpaabot ng tulong kay lola Lourdes. Groceries, bigas at mga prutas at gulay ang ipinaabot na sorpresa ni Idol.

“Salamat Idol… Salamat at tinulungan mo ako ulit… Salamat! Salamat!”

Lolo Na Binigyan Ng Bagong Padyak Ni Idol Raffy, Pumanaw na! 4
Photo credits to Youtube

Source: Raffy Tulfo in Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: