Press "Enter" to skip to content

Lolo Namatay Matapos Himatayin Sa Pila Ng Relief Goods

Isang 62-anyos na lalaki ang binawian ng buhay. Matapos itong himatayin habang nakapila sa namamahagi ng relief goods sa Nabua, Camarines Sur.

Ang biktima

Sa ulat ni Cedric Castillo sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, kinilala ang biktima na si Roger Relano Abillonar. Ang naturang biktima ay  hinimatay muna habang nasa covered court. ng barangay Santo Domingo.

Lolo Namatay Matapos Himatayin Sa Pila Ng Relief Goods 2
GMA News

Ito ay nakapila sa ipinamamahaging ayuda. Kausap daw ni Abillonar ang barangay tanod na si Ernesto Millete nang bigla itong matumba.

“Kakuwentuhan ko rito, pagtalikod ko, bigla na lang siyang bumagsak dito. Maputla siya, eh. Pinaupo namin diyan, naninigas na siya,” ani Millete.

Tunay na kondisyon

Dinala muna si Abillonar sa Barangay Health Center. At kinalaunan ay isinugod sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

Lolo Namatay Matapos Himatayin Sa Pila Ng Relief Goods 3
Abante TNT

“Wala siyang karamdaman. Hindi nga ‘man napunta sa ospital kasi wala namang sakit ‘yan,” sabi ni Leonida, asawa ng biktima.

Dahilan ng pagpila

Batay sa report ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), bitbit ng biktima ang kanyang claim stub at pumunta sa covered court sa kanilang barangay para kunin ang relief goods.

Lolo Namatay Matapos Himatayin Sa Pila Ng Relief Goods 4
ABS-CBN News

Ayon kay Leonida,  nasa Maynila ang kanilang mga anak dahil inabutan ng enhanced community quarantine.  Ang mister lang umano ang nasa bahay nila nang sandaling magkaroon ng bigayan ng ayuda sa barangay kaya ito ang pumila.

Paliwanag ng barangay

Paliwanag naman ni barangay kagawad Lilia Azul, ipinagbawal nila ang mga senior citizen, buntis, menor de edad, at maysakit sa venue.

Lolo Namatay Matapos Himatayin Sa Pila Ng Relief Goods 5
Abante TNT

“Nag-disseminate kami house-to-house, nagbigay kami nung stab. Talagang hindi pinapapupunta lahat,” ani Azul.

Sabi naman ng barangay na handa silang magbigay ng tulong sa pamilya ni Abillona.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: