Press "Enter" to skip to content

Lorenzana: Metro Manila, Posibleng Mailagay Na Sa GCQ Pagdating Ng Hunyo

Manila, Philippines – Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng isailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) sa June 1.

Piling lugar lamang

Subalit, iginiit nitong maaaring manatili pa rin sa mahigpit na lockdown ang mga lugar na may mataas na kaso ng Covid-19 alinsunod sa pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Lorenzana: Metro Manila, Posibleng Mailagay Na Sa GCQ Pagdating Ng Hunyo 2
Photo credits: MSN

Ani niya,

“Ang pinag-uusapan naming sa IATF, e mag-GCQ pero ‘yung mga areas na meron pa ring… mga infection baka ‘yun na lang ang ikontrol ng konti”.

Paliwanag pa ni Lorenzana, na hindi agad-agad magpapatupad ang gobyerno na lubusang tanggalin ang lockdown, sa kabila na ang mga kaso ng COVID-19 ay nag-lelevel off na, sa layuning maipatupad sa mga tao ang sariling disiplina.

‘New Normal’ na pamumuhay

Ayon pa ki Lorenzana, ito rin umano ay bilang paghahanda para sa mga residente sa Metro Manila sa “new normal,” kung saan uugaliin na ang pagsusuot ng face mask, maging ang iba pang health at safety protocols sa loob rin ng mga opisina.

Sa ngayon, tinutukoy pa Inter Agency Task Force (IATF) ang mga lugar sa Metro Manila na may mataas na kaso ng infections. Mababatid na pinag-aaralan rin ng gobyerno ang “zone” o barangay lockdown.

Lorenzana: Metro Manila, Posibleng Mailagay Na Sa GCQ Pagdating Ng Hunyo 3
Photo credits: MSN

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang GCQ sa mga lugar na itinuturing na “low-risk”, kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng mga sumusunod:

  • 21-anyos pababa at 60-anyos patatas
  • mga buntis
  • mga may malubhang karamdaman
  • maliban na lamang kung ang paglabas ay upang bumili ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Batid din ni Lorenzana, na mas marami pang industriya ang magbubukas sa mataas na kapasidad sa pagtransisyon patungo sa GCQ.

Sa kasalukuyan

Modified enhanced community quarantine ang umiiral sa Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan at iba pang mga lalawigan kung saan pinapayagang magbalik operasyon muli ang construction at food manufacturing matapos ang dalawang buwan. Binigyang diin din ng kalihim na bagama’t pakonti nang pakonti ang bilang ng mga kasong naitatala kada araw, kinakailangan pa ring magpatupad ng quarantine restrictions upang maiwasan ang pag-usbong ng panagalawang bugso ng hawaan.

Lorenzana: Metro Manila, Posibleng Mailagay Na Sa GCQ Pagdating Ng Hunyo 4
Rappler

Dagdag pa ni Lorenzana,

“We would like to impress in our people ‘yung self-discipline, para masanay sila na ito na ‘yung new normal, na social distancing, wearing of face mask, sanitation”.

Mababatid na nasa unang bugso pa rin ng Covid-19 infections ang bansa base sa mga pahayag ng Department of Health subalit binanggit nitong malapit nang ma-“flatten ang curve” matapos ang unti-unting pagbaba ng mga kaso mula noong marating ang “peak” noong Marso 31.

Lorenzana: Metro Manila, Posibleng Mailagay Na Sa GCQ Pagdating Ng Hunyo 5
Photo credits: MSN

Sa ngayon, may naitala ng 13,771 na mga nagpopositibo sa nakamamatay na sakit sa bansa. Sa bilang na ito, 863 ang nasawi at 3,177 naman ang gumaling.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: