Press "Enter" to skip to content

LTFRB, Magbubukas Pa Ng Mga Ruta Para Sa Mga Pampublikong Sasakyan!

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ay magbubukas pa ng mga kalye para sa mga pampublikong sasakyan dahil dumadaing na ang publiko. Sa mga susunod na araw madadagdagan na ang dadaanan ng mga bus, jeep, at mga UV Express.

Ang pahayag 

Noong Miyerkules Hulyo 29, pinayagan ang nasa halos 2,000 na mga jeepney na makabiyahe upang makatulong sa pangdagdag kabuhayan ng mga draybers. Kasabay nito ay binuksan rin ang 17 na mga ruta sa Metro Manila.

LTFRB, Magbubukas Pa Ng Mga Ruta Para Sa Mga Pampublikong Sasakyan! 2
Photo Credit: CNN Philippines

Mula sa panayam ng programa ng Unang Hirit kay LTFRB chairperson Martin Delgra III, kanyang sinabi na magdadagdag pa sila ng mga ruta na bubuksan hindi lamang sa Metro Manila pero sa ibang parte pa ng bansa. Sila ay magdadagdag pa dahil ito ay higit na kinakailangan na.

“Sa mga sumusunod na araw po, magbubukas din naman tayo ng mga panibagong mga ruta at dagdag na pampublikong sasakyan. Hindi lang po sa jeep kundi po sa mga bus at UV Express,” paliwanag niya.

Ang mga pinapayagan

Ani ni Delgra, patuloy ang pagsubaybay nila sa mga pampublikong sasakyan, sa mga drayber nito at mga operator upang makita kung sumusunod ba ang mga ito sa mga health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force. Kinokosidera din nila kung nararapat na ito para bumyahe sa kalsada sa pag gabay ng LTO (Land Transportation Office).

LTFRB, Magbubukas Pa Ng Mga Ruta Para Sa Mga Pampublikong Sasakyan! 3
Photo Credit: Pilipino Star Ngayon

Binalaan niya rin ang mga operators at mga drayber na maaari silang mabigyan ng show cause orders kapag hindi sila nakasunod sa mga health protocols. Maraming mga jeepney ang pinayagang nang buyahe ngunit mayroon pa ring iba na hindi makakapasada dahil hindi pa Covid-19 ready ang kanilang mga jeep.

Pinoproblema nila kung saan kukuha ng pambili sa mga kailangan tulad ng alcohol, spray, plastic cover, at thermal scanner. Kasama sa health protocol ang pag-alam ng temperatura, pagsuot ng face mask, face shield, at gloves, at pagsakay lamang ng 50% na kapasidad.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: