Press "Enter" to skip to content

“Ma, Nahihirapan Na Ako” Lloyd Cadena, Nagparamdam Sa Mismong Vlog Ng Ina

Kilabot ang naramdaman ng lahat ng marinig ang tinig ng yumaong si Lloyd Cadena sa mismong vlog ng kanyang ina. Sa una ay hindi mapapansin ngunit kung pakikinggan mabuti ay maririnig ang tila hirap na boses ng dating sikat na vlogger.

Hinagpis ng isang ina

Matatandaan na hindi agad humarap sa publiko ang ina nito dahil sa matinding pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng kanyang anak. Tatlong linggo pa ang lumipas bago siya nagbigay ng pahayag sa pamamagitan ng isang vlog.

“Ma, Nahihirapan Na Ako” Lloyd Cadena, Nagparamdam Sa Mismong Vlog Ng Ina 2

Ang nasabing video ay pinanood ng libo libong followers ni Kween LC at ng kanyang ina. Hindi maiwasan ng marami ang maiyak at maawa sa ina nito lalo pa at alam ng lahat kung gaano kamahal ni Lloyd ang kanyang ina.

Pagpaparamdam ni Lloyd

Subalit ang simple at maemosyong vlog ay nahaluan ng kilabot ng mapansin ng ilang netizen ang kakaibang tunog habang nasasalita ang ina ni Lloyd. Sa time stamp na 6:48 maririnig ang tila boses ni Lloyd na nagsabi ng “Ma”. Sa timestamp naman na 7:22 maririnig ang boses na nagsasabi na “nahihirapan na ako”.

“Ma, Nahihirapan Na Ako” Lloyd Cadena, Nagparamdam Sa Mismong Vlog Ng Ina 3

Sa una ay sadyang hindi mapapansin ang boses dahil napakahina lamang nito. Subalit kung pakikinggang mabuti maririnig ang tila paos at hirap ng boses ni Kween LC. Dahil dito, hindi maiwasan na kilabutan ang mga nakakarinig. Anila senyales ito na hindi pa handang lumisan sa mundo si Kween LC.

Paglisan

Tila hindi pa ito mapayapa kung nasaan man siya ngayon. Marahil ay ayaw pa rin iwan ni Lloyd ang kanyang ina dahil alam nito labis itong malulungkot at masasaktan sa kanyang pagkawala.

“Ma, Nahihirapan Na Ako” Lloyd Cadena, Nagparamdam Sa Mismong Vlog Ng Ina 4

Si Lloyd ay isa sa mga pioneer dito sa bansa sa larangan ng vlogging. Kilalang masayahin at mabuting tao si Lloyd. Isa siya sa mga tao tumulong sa mga nangangailangan noong panahon ng lockdown.

Subalit nagulat na lamang ang marami ng mabalitaan na pumanaw na ito dahil sa heart attack. Si Lloyd ay itinakbo sa ospital dahil nagpositibo sa C0vid subalit nagkaroon ito ng kumplikasyon sa puso dahil dito. Dasal ngayon ng mga fans, sana ay maging mapayapa na si Lloyd kung nasaan man ito ngayon.

Source: K.R.A. Stories

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: