Press "Enter" to skip to content

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen

Isang staff ng isang riasted chicken store ang nagbuking kung gaano karumi ang pamamahala sa kanilang mga store branches.

Dugyot

Viral ngayon ang post ng netizen na si Michellyn Baula ukol sa maling pamamalakad ng isang roasted chicken store. Aniya ay madumi ang pinagtatrabahuang food store. Pinakita nito ang umano ay mabaho, madumi, puro basura, at dinadaga pang food store.

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 2

Sa post ay pinabatid ni Baula na mapansin ng Raffy Tulfo In Action ang kanilang problema. Liban pa sa sanitary issues ng mga empleyado ay hindi din pinapasahod ng tama ang mga ito.

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 3

“PAHELP LANG PO MAKARATING KAY SIR RAFFY TULFO YUNG MGA KABABUYAN MALING PATAKARAN SA KEVIN ROASTED CHICKEN.
SA ORAS PAPASOK KA NG 8 KAYLANGAN NANDUN KANA PAG DATING NAMAN NG UWIAN MAG AANTAY KA SA SERVICE NG 9 MINSAN 10:30 BAGO DUMATING.”

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 4

Abuso sa empleyado

Aniya pa, late magpasahod ang kanilang amo. Kung hindi naman late, kulang din ang kanilang sinasahod.
Dinadaya din umano sila pagdating sa kanilang benepisyo bilang empleyado.

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 5

“PAG DATING NAMAN SA SAHURAN LAGING KULANG MINSAN LATE PAG DATING NAMAN SA BENIPISYO YUNG MGA KINAKALTAS SAMIN MINSAN HINDI NILA HINUHULOG.”

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 6

Reklamo rin nito, sa kanila chinacharge kapag natutuyuan sila ng manok. Sila rin umano ang sinisisi kapag wala silang benta. At higit pa ryan, pinagbebenta sila ng manok na may kagat ng daga. Ang mga manok na namamaho na at syang sinasauli ng kostumer ay sakanilang sahod binabawas ng amo.

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 7

“AT PAGDATING SA BENTAHAN KAMI ANG MAY KASALANAN KAPAG WALANG BENTA KAPAG NATUYUTAN SAMIN NAKA CHARGE MINSAN NAG PAPABENTA SILA NG MAY NGATNGAT NA DAGA MINSAN NAMAN MABAHO KAPAG NALUTO NA AT BINALIK NG COSTUMER SAYO ICHACHARGE”

Walang Palikuran at tubig!

Isa rin sa maraming reklamo ng mga empleyado ay ang kawalan ng palikuran, upuan, electric fan, at sa ibang outlet ay walang tubig.

Mabaho at May Daga! Kadugyutan Ng Isang Roasted Chicken Store, Ibinuking Ng Isang Netizen 8

“YUNG OUTLET WALANG CR WALANG UPUAN WALANG ELECTRICFAN AT YUNG IBANG OUTLET NAMAN WALANG TUBIG.”

Source: Michellyn Baula

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: