Press "Enter" to skip to content

Mabuting Balita Tungkol Sa Oxford/AstraZeneca COVID-19 Vaccine, Malapit Ng Malaman

Ang magandang balita sa mga intial trial sa potential vaccine ng COVID-19 ng University of Oxford na lisensyado sa AstraZeneca ay maaaring ianunsyo na ang pinakamaagang araw ay Huwebes, Hulyo 16, sinabi ni ITV political editor Robert Peston, na nagbabanggit ng isang source.

Ang mabuting balita

Ang potential vaccine ay nasa large-scale Phase III human trials upang masuri kung maaari itong maprotektahan laban sa COVID-19. Ngunit ang mga nag-develop nito ay hindi pa nag-uulat ng mga resulta ng Phase I na magpapakita kung ito ay ligtas at kung nagpapahiwatig ba ito o hindi ng immune response.

Mabuting Balita Tungkol Sa Oxford/AstraZeneca COVID-19 Vaccine, Malapit Ng Malaman 2
Photo Source: Global Times

Sinabi ng mga nag-develop ng bakuna na sa buwang ito na nahimok sila ng immune response na kanilang nakita sa mga trials at inaasahan na ilalathala ang data ng Phase 1 sa katapusan ng Hulyo.

Inaasahang mai-publish ang data ng The Lancet medical journal.

Ang AstraZeneca Vaccine

Mahigit sa 100 na bakuna ang binubuo at sinusukan sa buong mundo upang subukang pigilan ang COVID-19 pandemic, na pumatay ng daan-daang libo at sumira sa pandaigdigang ekonomiya.

Ang experimental vaccine ng AstraZeneca ay marahil ang nangungunang kandidato sa buong mundo at pinaka advanced sa mga tuntunin ng pagdevelop, sinabi ng World Health Organization chief noong Hunyo.

Ang kumpanya ay pumirma ng mga kasunduan sa mga gobyerno sa buong mundo upang magbigay ng bakuna kung ito ay pwedeng magamit na.

Mabuting Balita Tungkol Sa Oxford/AstraZeneca COVID-19 Vaccine, Malapit Ng Malaman 3
Photo Source: PMLiVE

Ang shares sa AstraZeneca ay natrade ng 5% na mas mataas ng 1415 GMT. Walang agarang komento mula sa kumpanya sa ulat.

Impormasyon tungkol sa Moderna

Sinabi ng isang tagapagsalita ng Oxford University kay Reuters na ang team ay naghihintay ng kumpirmasyon mula sa isang scientific journal ng petsa ng oras ng publikasyon, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagan pang mga detalye.

Sabi niya,

“(We) are not able to confirm when it will be released.”

(Hindi (namin) makumpirma kung kailan ito ilalabas.)

Sinabi ni Peston sa isang post sa blog:

“I am hearing there will be positive news soon (perhaps tomorrow) on initial trials of the Oxford COVID-19 vaccine that is backed by AstraZeneca.”

(Naririnig ko na magkakaroon ng magandang balita sa lalong madaling panahon (marahil bukas) sa initial trials sa Oxford COVID-19 vaccine na sinusuportahan ng AstraZeneca.)

Mabuting Balita Tungkol Sa Oxford/AstraZeneca COVID-19 Vaccine, Malapit Ng Malaman 4
Photo Source: The Boston Globe

Iniulat ng mga mananaliksik sa Estados Unidos noong Martes, Hulyo 14 na ipinakita ng Moderna Inc’s experimental vaccine na ito ay ligtas at nagprovoke sa immune responses sa lahat ng 45 malulusog na boluntaryo sa ongoing early-stage study.

Sinimulan ng Moderna ang Phase II trial noong Mayo at inaasahan na magsisimula ng isang Phase III trial noong Hulyo 27.

Source: Yahoo News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: