Press "Enter" to skip to content

Mabuting Madrasta Vs. Tunay Na Ina, Sino Nga Ba Ang May Mas Karapatan Sa Mga Bata?

Isang komplikadong kaso ang idinulog sa programa ni idol Raffy. Agawan ito ng mga bata sa pagitan ng tunay na ina at ng madrastang nag aruga sa mga bata.

Akusasyon ng tunay na ina

Humingi ng tulong ang tunay na ina na si Glomer Roque upang makuha na ang kanyang dalawang anak sa mula sa poder ng madrasta ng mga bata na si Joann Superable. Ayon sa sumbong ni Glomer, mismong tatay na ng dating asawa na si Robin Emerson Castro ang nagsabing kunin na ang mga bata dahil sinasaktan ito ni Joann.

Mabuting Madrasta Vs. Tunay Na Ina, Sino Nga Ba Ang May Mas Karapatan Sa Mga Bata? 2

Napilitan umanong ibigay noon ni Glomer ang mga bata kay Robin dahil walang mag aalaga sa mga ito habang siya ay nagtatrabaho. Nagkasakit at kalaunan ay namatay na kasi ang magulang niya na siyang una niyang pinaghabilinan ni Glomer.

Ayon kay Glomer, kay Robin niya hinabilin ang mga bata. Subalit nasa abroad ito ngayon kung kaya ang madrastang si Joann ang nangangalaga. Akusa ni Glomer, sinasaktan ni Joann ang kanyang dalawang anak kung kaya nais na niya itong bawiin subalit ayaw ibigay nina Robin at Joann.

Displina

Ayon kay Robin, hindi totoo na minamaltrato ni Joann ang kanilang mga anak. Ang paminsan minsan na pangungurot ay isa lamang pagdidisiplina umano dahil makulit ang bunsong anak nina Robin at Glomer.

Mabuting Madrasta Vs. Tunay Na Ina, Sino Nga Ba Ang May Mas Karapatan Sa Mga Bata? 3

Inaalagaan umano ni Joann ang mga bata na parang tunay na anak. Sa katunayan, napakatataas ng marka ng mga bata sa eskwelahan patunay na maayos ang buhay ng mga bata sa poder ni Joann.

Pagpapabaya ni Glomer

Isa pang dahilan kung bakit ayaw ibigay ni Robin ang mga bata kay Glomer ay dahil napapabayaan lamang daw ang mga ito sa tuwing na kay Glomer. Noong inihabilin ni Glomer ang bata sa kanyang mga magulang ay nagtitinda ng bote at plastic ang panganay nilang si “Mia” upang may maipambili ng gatas ng kanyang bunsong kapatid.

Mabuting Madrasta Vs. Tunay Na Ina, Sino Nga Ba Ang May Mas Karapatan Sa Mga Bata? 4

Pinatotohanan naman ito ni “Mia” ng kausapin siya ni idol Raffy. Kwento ni “Mia” noong 6 na taon pa lamang siya ay namumulot siya ng mga kalakal upang maibenta at maipambili ng gatas ng kanyang kapatid. Dagdag pa ng bata, noong kasama nila ang tunay na ina ay sa maruming kwarto sila nito pinapatulog, kasama ng mga damit na labahin.

Ayaw rin sumama ni “Mia” sa kanyang tunay na ina at tuwing bakasyon na lamang umano sila dadalaw sa kanyang ina.

Kostodiya ng mga bata

Dahil sa komplikadong sitwasyon, hiningi ni idol Raffy ang tulong ni MSWD Head ng Silang Cavite na si Rhoda Bautista. Siya ang inatasan ni idol Raffy na mag assess sa mga bata at alamin kung kanino nga ba dapat sila mapunta.

Ayon sa assessment na isinagawa, nakumpirmang nasa mabuting kalagayan ang mga bata sa poder nina Joann at Robin. Samantala, sasailalim din sa assessment si Glomer upang mapag desisyunan kung kanino ibibigay ang kostodiya ng mga bata.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: