Press "Enter" to skip to content

Madetalyeng Paghihimay Ng Isang Netizen Sa Pamamaril Sa Ex-Army, Nag Viral!

Viral ngayon ang paghihimay ng isang concern citizen sa issue ng pagkamatay ng isang ex-army sa kamay ng isang pulis. Dinetalye niya punto por punto ang lahat ng kaganapan ng walang halong pagkiling sa anumang panig.

Hindi sapat na rason

Kinilala ang nasabing nag analisa ng mga pangyayari bilang si Jalil Sandag na nag aaral sa Colegio de Dan Juan de Letran sa kursong AB Political Science. Aniya ang lahat ng kanyang nabanggit sa post ay pawang mga katotohanan lamang at walang halong emosyon ang kanyang pag aanalisa.

Una niyang pinuna ang ginawang pagbaril ni QC Police Daniel Florendo sa biktimang si Winston Ragos. Aniya, mali ang depensa ng pulis na kaya binaril ang suspek ay dahil akto itong bubunot ng baril na siya naman nakita sa mga CCTV. Hindi umano ito sapat na rason para barilin ang isang sibilyan.

Madetalyeng Paghihimay Ng Isang Netizen Sa Pamamaril Sa Ex-Army, Nag Viral! 2

Ang kanyang naging basehan ay ang Article 11 ng Revise Penal Code na nagsasabing walang pananagutan ang nakapatay kung nagpakita ng “unlawful agression” o biglaang pag atake ang biktima na nagdulot ng panganib sa suspek. Hindi umano maituturing na unlawful regression ang pagsasabi ng pagbabanta o posturang nagbabanta lamang tulad ng ginawa ng biktima.

Mabagal na pagkilos

Ikalawa, marami umanong sinayang na pagkakataon ang mga pulis upang dakpin si Ragos. Sumunod umano ang biktima ng utusan nila ito itaas ang kamay. Kulang sa dalawang minuto rin itong nag taas ng kamay ngunit hindi umaksyon ang mga pulis.

Madetalyeng Paghihimay Ng Isang Netizen Sa Pamamaril Sa Ex-Army, Nag Viral! 3

Maari rin umano nila sanang nilang sunggaban at posasan na ang biktima ng noong tumalikod ito ngunit hindi nila ito ginawa. Bagkus, nagpatuloy lang ang mga pulis sa pagsigaw sa biktima na kalaunan nga ay nauwi sa pamamaril.

Bingi ang mga pulis

Ikatlo, ang mga nakapalibot ng pulis pati na rin ang dalawang barangay tanod ay hindi man lang nag abalang bigyan ng first aid ang biktima. Hinintay lamang nilang dumating ang ambulansya na tumagal ng mahigit tatlong minuto.

Madetalyeng Paghihimay Ng Isang Netizen Sa Pamamaril Sa Ex-Army, Nag Viral! 4

Ikaapat, naging bingi umano ang mga pulis sa sigaw ng mga kaanak at ibang saksi. Bago pa man ang pamamaril, isa umanong saksi ay nagsasabi sa mga pulis dating AFP member ang biktima, at may sakit na PTSD at war shock. Subalit, tila bingi ang mga pulis sa sigaw ng mga ito.

Tampered na ebidensya

Ikalima, hindi mawawala ang spekulasyon na maaaring nadaya ang ebidensya ng kinuha ng mga pulis ang sling bag ng biktima. Ayon sa kanilang report, may nakuhang baril sa bag ng biktima na siyang matigas na itinatanggi ng mga kaanak nito.

Madetalyeng Paghihimay Ng Isang Netizen Sa Pamamaril Sa Ex-Army, Nag Viral! 5

Ayon sa protocol, sa ganitong pangyayari, hindi dapat galawin o kunin ang lahat ng ebidensya sa crime scene. Tanging mga taga SOCO lamang umano ang maaaring kumuha at magsagawa ng imbestigasyon ukol dito.

Hindi kapani -paniwalang dahilan

Ikaanim, bigo umano ang mga pulis at mga barangay tanod na kontrolin ang mga taong nakikiusyoso. Nabaliwala ang social distancing ng dumating mga mga taong nanonood sa mga pangyayari.

Ikapito, hindi umano totoo ang depensa ng pulis na huli na ng malaman niya na may sakit sa pagiisip ang biktima. Bago pa mangyari ang putukan ay maririnig sa video na sumisigaw ang mga tao na may sakit sa pagiisip si Ragos, kung kaya naman hindi umano kapani-paniwala ang depensa ni Florendo.

Madetalyeng Paghihimay Ng Isang Netizen Sa Pamamaril Sa Ex-Army, Nag Viral! 6

Sa huli, pakikiramay sa mga kaanak ng biktima ang nais ipaabot ni Sandag. Nawa ay maging mapayapa umano sa kabilang buhay ang kaluluwa ni Ragos. Siniguro rin niyang makakamit ng biktima ang hustisyang nararapat sa kanya.

Source: Jalil Sandag

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: