Press "Enter" to skip to content

Mag-anak Na May PWD At Bata Naglalakad Pauwi Sa Pangasinan

Viral ngayon ang larawan ng isang mag anak habang naglalakad pauwi ng kanilang probinsya sa Pangasinan matapos makitang may kasama silang isang PWD na akay ng isang batang babae. 

Mag-anak Na May PWD At Bata Naglalakad Pauwi Sa Pangasinan 2
Facebook

Ang Lockdown 

Maraming manggagawa sa lokal at pribadong kompanya ang pansamantalang nawalan ng trabaho. Ito’y matapos ipatupad ang direktibo ng pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Enhanced Community Quarantine upang makaiwas ang lahat sa lumalaganap at nakakamatay na Covid virus.

Matatandaan na pagkatapos mailunsad ito ay sumunod din ang pagpatupad ng lockdown sa lahat ng lugar. Ito’y para mabawasan ang sunod-sunod na biktima na naging positibo sa nasabing sakit. 

Good Samaritan

Ayon sa nag upload sa kaniyang facebook account na si Lovely Montenegro Buctot,

“Sharing is caring. Patulong naman po sa kanila galing pa po sila sa Mines View. Uuwi daw po sila sa Pangasinan Manaog. May kasama silang bata saka PWD.”

Ang Paglalakbay Pauwi

Si Mang Wilfredo Grado ay 47 na taon gulang at tubong Lipit Sur Manaog, Pangasinan. Siya at nagta-trabaho bilang tiga-walis samantalang ang kaniyang binatang anak naman ay nagta-trabaho bilang pa extra-extra sa isang construction site sa Brgy Lualhati, Baguio City. Sa kabila ng kanyang kondisyon, pursigido sya na makatulong at matustusan ang kaniyang pamilya. Simula ng isara ang nasabing construction dahil sa lockdown, napilitan sila ng kanyang mga anak na umuwi na lamang sa kanilang lugar sa probinsya. 

Mag-anak Na May PWD At Bata Naglalakad Pauwi Sa Pangasinan 3
Facebook

Ngunit hindi ito naging madali para sa mag-aama dahil wala na silang pwdeng masakyan pauwi dahil sa ipinatupad na lockdown. Kaya simula Brgy Lualhati Baguio City, naglakad ang mag-aama bitbit ang kanilang kaunting damit, habang iwinawagay-way naman sa mga dumadaang sasakyan ang tungkod ng kanyang Ama na gawa sa kawayan na merong nakasulat na, “Tulungan nyo po kami papuntang Pangasinan” 

Welcome home manong!

Pag katapos naman makita ng kaniyang pamangkin na si Ginang Abigail Abella Tomondong ang nangyari sa kaniyang kapamilya ay humingi sya ng tulong sa lokal na pamahalaan nila sa Pangasinan para sunduin ang kaniyang tiyuhin at mga pinsan. Sa ngayon, sila ay naka 14days quarantine sa loob ng kanilang pamamahay, alinsunod na din sa batas na ipinatutupad ng Pamahalaan.

Saludo kami sayo Mang Wilfredo at sa lahat ng mga tumulong sa inyo. 

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: