Press "Enter" to skip to content

Mag-anak Na Tumanggap Ng Ayuda, Huli Sa Aktong Nagsusugal

Isang mag-anak ang arestado dahil sa pagsusugal matapos na makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno bunsod ng pinapairal na quarantine sa buong Luzon.

Sugal

Tatlong myembro ng isang pamilya ang inaresto nito lamang Sabado nang mahuli sa aktong nagsusugal sa loob ng kanilang bahay. Ang insidente ay naganap sa Sitio 2, Brgy 37, Calayab, Laoag City. Nakumpiska mula sa tatlong suspek ay ang P372 na taya ng mga ito sa sugal na baraha.

Cash assistance

Inamin naman ng dalawang babaeng suspek na nakatanggap umano ang mga ito ng P5,500 na ayuda mula sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development. Ang ayuda na ipinapamigay ng DSWD ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang higit na apektado ng kinakaharap na krisis ng ating bansa sa kasalukuyan. Ang tatlong suspek ay nahaharap sa isang kaso, ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law

Mag-anak Na Tumanggap Ng Ayuda, Huli Sa Aktong Nagsusugal 2

Banta ng pangulo

Matatandaang nauna nang nagbanta ang pangulo sa mga taong mahuhuling nagsusugal, nagiinuman, o lumalabag sa social distancing protocol na syang mahigpit na pinapairal sa bansa ngayon. Komento ng netizens Sa kabila ng pag-aray ng maraming netizens dahil marami pa din ang hindi nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno, tila nakakadagdag sa stress ng marami ang paglabas ng mga ganitong uri ng balita.

Mag-anak Na Tumanggap Ng Ayuda, Huli Sa Aktong Nagsusugal 3

Kamakailan lamang ay napabalita ang isang lalaki na bumili ng ipinagbabawal na gamot matapos makatanggap ng ayuda. Marami ang nagalit at nainis sa balitang ito na kung saan ay maraming nagsuhestyon na ibigay na lamang ang ayuda sa mga middle class na syang diumano ay tila napapabayaan sa panahon ng krisis na ito. Hanggang ngayon din ay marami pa ang nag-aabang at umaasang mabibigyan ng ayuda mula sa DSWD.

Covid-19

Sa ngayon ay wala pang katiyakan kung aalisin na ang ECQ pagdating ng Abril 30. Nahaharap na naman sa isang malaking desisyon ang pangulo kung ipapatigil na ang community quarantine o ieextend itong muli.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: