Press "Enter" to skip to content

Matapos Ang Kasal; Mag-asawa Mas Piniling Magtungo Sa Hospital Kaysa Reception?

Trending ngayon ang bagong kasal na mag-asawa na imbes diumano magtungo sa kanilang reception ay dumirecho sa hospital. Ito ay upang ipadama ang kanilang malasakit para sa ating mga medical frontliner sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga PPE at grocery packs.

Ang mag-asawa

Ang mag-asawa ay sina Wilbert at Harlene Silverio na ikinasal noon lamang Huwebes ika-18 ng Hunyo. Ayon kay wilbert ay nakatakda sana silang ikasal noon pang ika-14 ng Abril ngunit bunsod nang pag- usbong ng pandemyang COVID-19 ito ay naudlot. Ayon pa kay Wilbert ay ang desisyon na lamang pala nito ang inaantay ng kanyang asawa upang ito ay matuloy na.

Ang Mag-asawa- Hospital
Photo Credit: Facebook

Aniya,

“I have to make a bold decision to push through ‘yung wedding. Ako na lang din pala ‘yung iniintay niya na mag-decide,” Wilbert said.

Ang desisyon

Ayon pa din sa mag-asawa hindi naging madali ang kanilang pagdedesisyon dahil na din sa ilang mga rules na dapat sundin gaya na lamang ng social distancing sa isang mass gathering. Matapos mapag desisyunan ang kasal ay nagkaroon ng idea ang mag-asawa na kanila naman napagkasunduan.

Ang Desisyon- Hospital
Photo Credit: Gma

At ito ay imbes na magdiwang nang isang tradisyonal na selebrasyon, ay naisipan na lang nang mga ito na magtungo sa hospital upang mamigay ng PPE’s at grocery packs sa mga medical frontliners ng hospital.

Ang pamamahagi

Samantala, matapos ang simpleng seremonya, suot pa ang mga damit pang kasal ay nagtungo ang mag-asawa sa hospital at ipinakita ang kanilang malasakit para sa mga frontliners.

Ang Pamamahagi- Hospital
Photo Credit: Facebook

Aniya ni Harlene,

“Sa kabila ng lahat na may pinagdadanan tayo, may pandemic po tayo, ma-push po ‘yung holy sacrament po ng kasal, ma-honor namin si God sa kasal namin,”

Pasasalamat

Sinabi pa nang mag-asawa na ang pamamahaging ito ay kanilang paraan ng pagpapasalamat at mapalad pa din ang mga ito na maikasal, kahit pa ang bansa ay dumaranas ngayon ng matinding krisis.

Pasasalamat- Hospital
Photo Credit: Gma

Gayundin, may mensahe ang mga ito para sa mga mag-asawang dumaranas din ng mga pagsubok sa panahong ito at sinabing,

“Just keep the faith po kay God kasi siya po ‘yung may kontrol ng lahat.”

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: