Press "Enter" to skip to content

Mag-Ina, Naglalakad Mula Pulilan Hanggang Plaridel Para Pakainin Ang Mga Aso At Pusa

Naging viral online ang litrato ng mag-ina na naglilibot sa mga kalye ng Bulacan para magpakain ng mga aso at pusang kalye.

Pagkalinga

Base sa Facebook page post ng “Born to Be Wild,” matiyagang naglalakad si Jhec Victoria at kaniyang ina mula sa Pulilan hanggang sa Plaridel, Bulacan. Ito ay para bigyan ng pagkain at inumin ang mga aso at pusa sa kalye.

Mag-Ina, Naglalakad Mula Pulilan Hanggang Plaridel Para Pakainin Ang Mga Aso At Pusa 2
Credits: Jhec Victoria

Sinimulan nila ang gawaing ito ng ipatupad ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansa. Maraming nawalan ng kabuhayan at nagutom na tao ng dahil sa ECQ ngunit apektado rin maging ang mga street animals. Dahil sa ECQ, kaunti lang ang taong nasa labas na pwedeng magpakain sa kanila.

“Tayo at least, kahit papaano, may relief goods na binibigay sa atin ang gobyerno. Eh, sa kanila, wala, kaya kung di po kami kikilos at magkukusa baka wala din naman ibang gumawa,” ani Jhec.

Sakripisyo

Ngunit para magawa nila ito, kinakailangan nilang maglakad ng malayo sa gitna ng init ng araw habang hila-hila ang mabigat na mga mabigat na pagkain ng aso at pusa.

Inamin ni Jhec na nakakapagod ang ginagawa nilang mag-ina pero kailangan nilang ipagpatuloy dahil walang ibang magpapakain sa kanila.

Mag-Ina, Naglalakad Mula Pulilan Hanggang Plaridel Para Pakainin Ang Mga Aso At Pusa 3
Credits: Jhec Victoria

Ayon kay Jhec, “Marami nagtatanong, ‘di daw po ba kami napapagod. Sinungaling naman po ako pag sinabi kong hindi, pero kahit na ramdam po namin ‘yun ay parang nawawala na rin, dahil nakikita namin sila nabubusog.”

“Masarap tingnan at isipin na, sa maliit na bagay po na nagagawa namin ay malaking tuwa lagi sa mata nila na kahit na di sila nakakapagsalita ay para sila nagpapasalamat,” dagdag pa niya.

Dahil dito, humanga ang mga netizens sa pagsasakripisyo ng mag-ina para mabigyan ng pagkain at inumin ang mga hayop.

Pet lovers

Ibinahagi ni Jhec na kahit nuon pa man, nagpapakain na sila ng mga pakalat-kalat na hayop sa lugar nila.

Mag-Ina, Naglalakad Mula Pulilan Hanggang Plaridel Para Pakainin Ang Mga Aso At Pusa 4
Credits: Jhec Victoria

Aniya, “Hindi po namin ito first time mag stray feeding, pero dahil po sa krisis na dumadaan na ito, sinisikap po talaga namin ng nanay ko na araw-araw ay mahatiran namin sila ng pagkain at inumin,”

Panoorin ninyo ang actual video ng pagmamalasakit ng mag-ina sa mga hayop.

Posted by Jhec Victoria on Thursday, April 16, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: