Mag-inang Biktima Ng Sadistang Amo, Inulan Ng Blessings Mula Kay Raffy Tulfo

Muli na namang sumalang sa Raffy Tulfo In Action ang mag-inang biktima ng sadistang amo na si Trifona Salma. Sina Nanay Angelina at Rea Tubia ay tila mas magaan na ang pakiramdam kaysa noong mga unang araw nang harapin nila ang inirereklamong amo.

Sa panibagong episode na ito ay masayang ibinalita ni sir Raffy Tulfo ang mga balakin nito sa nalalapit na pagharap nito sa kaso.

Hindi pababayaan

Ayon kay sir Raffy, bibigyan niya ang mag-ina ng trabaho mismo sa Aksyon Center at bibigyan ng arawan na sahod upang magamit ng mga ito sa pang-araw araw habang dinidinig ang kanilang sinampang kaso.

Pansamantalang titira ang mag-ina sa kapatid ni Nanay Angelina sa Batangas. Mula Batangas ay dadayo ito sa Cavite sa mga araw ma may pagdinig ang kaso.

Hindi lamang yan, magbibigay din ng financial allowance si Raffy Tulfo para sa mag-ina upang hindi maging pabigat ito sa kamag-anak. Pangako din ni Idol Raffy ang bigyan ng negosyo si Rea sa Cebu pagkatapos ng kaso para hindi na ito mamasukan pa.

Pinag-apology

Natalakay at nakausap din ang diumano ay pulis na hindi gumawa ng blotter ng kaso nila Nanay Angelina at Rhea nang dumulog ito sa himpilan nito sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ang pulis na nag-asikaso sa mag-ina bilang si P/Msgt. Magdaleno Amular. Naungkat din na dati palang kasamahang pulis nina Amular ang anak na pulis ni Trifona na ngayon ay sa Crame na umano nagsisilbi.

Dahil dito, pinag-apology ni Raffy ang pulis sa mag-ina dahil sa kakulangan nito na magampanan ang kanyang trabaho.

Inulan ng blessings

Maliban sa pagbibigay ni Raffy ng cellphone sa mag-ina at sa tiyahin nito, kinausap nito ang kanyang team na ipag-shopping ang mga ito, papanoorin ng sine, at kumain sa restaurant bilang tulong nito sa mga ito.

Masayang masaya si Raffy Tulfo na makitang unti-unting nagiging masaya ang mag-inang biktima. Sa kabilang banda, masaya din ang netizens at puno ng pasasalamat sa taos-pusong pagtulong sa mag-ina.

Panoorin ang video dito:

Source: Youtube

Leave a Reply

Your email address will not be published.