Press "Enter" to skip to content

Mag-Inang Sa Gitna Ng Kalsada Sumasagot Ng Module, Nag Viral!

Cebu City – Marami ang naantig matapos mag-viral sa social media ang mga larawan ng isang ina na tinuturuan ang kanyang anak sa pagsagot ng module sa mismong girl d ng Cathedral Church.

Pag viral

Na-ispatang ang mag-inang matyagang sumasagot ng module habang sila ay nasa kahabaan ng Mabini Street, Cebu City noong Oktubre 9, 2020.

Mag-Inang Sa Gitna Ng Kalsada Sumasagot Ng Module, Nag Viral! 2

Ayon sa kumuha ng larawan na si Jenevive Bangay, katanghalian noong Biyernes nang makita niya ang mag-ina sa labas ng Cebu Metropolitan Cathedral at isa-isang binubuklat ang mga modules upang ito ay sagutan.

Pagka-bilib sa mag-ina

Sa ipinost ni Jenevieve, kaniyang sinabi na naantig siya matapos na masilayan ang ginagawa ng mag-ina. Kaya naman hindi ito nag-atubiling kunan ng larawan upang maghatid inspirasyon online lalong lalo na sa mga kabataan.

Mag-Inang Sa Gitna Ng Kalsada Sumasagot Ng Module, Nag Viral! 3

Aniya,

“Namangha talaga ako sa pagsusumikap ni Nanay upang turuan ang kaniyang anak kahit na nasa mahirap na sitwasyon sila.”

New normal

Sa ngayon, marami pa din ang nag-aadjust sa bagong imahe ng Edukasyon at umaasa lamang sa modules na ibinibigay ng mga Guro sa mga mag-aaral upang masabayan ang new normal.

Mag-Inang Sa Gitna Ng Kalsada Sumasagot Ng Module, Nag Viral! 4

Kaya naman Pinabilib ng mag-ina ang kanilang pag pursige na nasagutan ang mga ibinigay na module kahit na ito’y nasa kalsada pa. Pahayag pa ni Jenevieve na maaring kasalukuyan naninirahan ang mag-ina sa isang maliit na barong-barong na kalapit ng Simbahan at maari din na isa sila sa mga nagtitinda sila sa lugar na iyon.

Samantala, umani ng sari-saring papuri at sa kasalukuyan ay umabot na sa 4.6k na share ang naturang post habang inulan naman ito ng mahigit 157 na mga komento.

Source: Jenevive Bangay

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: