Press "Enter" to skip to content

Mag ingat! Isang Babae Naubos Ang Credit Card Limit Dahil Sa Bagong Modus Ng Scammer

Timbog sa operasyon ng anti cybercrime group ng Camp Crame ang isang lalaki matapos tanggapin ang kanyang inorder na cellphone online sa kanyang mismong tinitirhan condominium. Ang ginamit kasi niyang pambayad ay credit card account ng ibang tao.

Credit card scammer

Kinilala ang suspek bilang si Marco Castro Margarico. Hindi niya alam, ang nag deliver sa kanya ay mismong pulis na pala at handa na siyang hulihin pagkatanggap niya ng inorder na cellphone. Nahuli sa kanya ang iba’t ibang klase ng mga pekeng identification card na ginagamit niya umano sa pang sscam.

Mag ingat! Isang Babae Naubos Ang Credit Card Limit Dahil Sa Bagong Modus Ng Scammer 2

Ayon sa biktima na si alyas ‘Linda’, nag inquire siya sa isang lehitimong shop group. Bigla umanong may nag PM sa kanya na nagsasabing available pa ang kanyang nais bilhin na gadget.

Mag ingat! Isang Babae Naubos Ang Credit Card Limit Dahil Sa Bagong Modus Ng Scammer 3

Hiningi umano nito ang detalye ng credit card at maging personal niyang detalye. Agad niya itong ibinigay sa pag aakalang legit ang seller na kanyang kausap lalo pa at admin umano ito sa group na pinagtanungan niya.

Said ang credit card

Nagulat na lamang siya ng biglang nasaid ang kanyang credit card limit. Sa katunayan, nag negative pa umano ito ng P8,000 mula sa kanyang limit na P100,000. Agad na nagsumbong sa otoridad si Linda upang mahuli ang suspek. Buti na lamang, nakipagtulungan ang online store na pinagbilhan ng suspek gamit ang credit card ni Linda.

Mag ingat! Isang Babae Naubos Ang Credit Card Limit Dahil Sa Bagong Modus Ng Scammer 4

Dahil dito, na trace at agad na nahuli ang suspek. Sumama naman ng matiwasay ang suspek sa mga otoridad. Subalit, ayaw nitong magbigay ng anumang pahayag at hihintayin umano muna niya ang kanyang abogado na inilarawan niya bilang kanyang “everything’.

Babala ng otoridad

Babala ng mga otoridad, mag ingat sa pagbili sa online. Huwag basta basta magbibigay ng detalye lalo na kung sensitibo na ang mga hinihingi nito. Mag alerto na umano kung ang hinihingi na ng kausap ay email address, birthday o credit card number dahil sa malamang ay fraud ito.

Mag ingat! Isang Babae Naubos Ang Credit Card Limit Dahil Sa Bagong Modus Ng Scammer 5

Patong patong na kaso ang kinakahap na kaso ang kakaharapin ng suspek. Kabilang na dito ang Access Device Regulation Act of 1998, Falsification of Private Individual and use of falsified documents, paggamit ng pekeng pangalan, at Estafa.

Netizen, nabiktima ng scammer na sinagad ang limit ng kanyang credit card

Kapamilya, mag-ingat po sa pamimili online lalo na sa mga social media sites at mga chat group.Isang netizen kasi ang nabiktima umano ng isang scammer na sinagad ang limit ng kaniyang credit card.Sumama sa patuloy nating pagpa-Patrol, 6PM, sa news.abs-cbn.com, fb.com/abscbnNEWS, youtube.com/ABSCBNNews, Teleradyo, at ANC

Posted by ABS-CBN News on Wednesday, May 20, 2020

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: