Press "Enter" to skip to content

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens

Sabi nila, hindi daw mabibili ng pera ang kaligayahan ng tao. Mas nananaig parin kailanman ang pagmamahal sa kapwa at sa pamilya. Kaya naman nang makita ni John Cuenca Alterado ang isang pamilya na nakakatouch ang kalagayan ay hindi niya mapigilan na hindi ito ishare sa social media.

Love is blind

Love is blind, ika nga nila. Wala na sigurong mas makakapagpatunay nito kundi ang pamilyang nakunan ng litrato sa kalsada.

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens 1

Sa mga litrato, makikitang parehong bulag ang isang magasawa na nasa kalye kama ng kanilang anak na batang lalaki.

Nakakabilib

Ang talagang pumukaw sa atensyon ng mga netizens ay ang lubid na nakatali sa bewang ng bata na konektado at nakatali din sa bewang ng kanyang tatay.

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens 2

Ginagamit umano ng mag-anak ang lubid sa paglalakad at pati narin sa pagtawid sa kalsada upang magabayan ng bata ang mga magulang niya.

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens 3

Pagabot ng tulong

Ayon sa mga netizens, dati na raw nafeature sa GMA Show na Kapuso Mo, Jessica Soho ang mag-anak. Baby pa nun ang batang lalaki at buntis naman ang nanay.

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens 4

May mga nagtataka kung bakit namamalimos parin sila sa Dipolog at bakit hindi man lang natulungan ng KMJS. Nagtataka rin ang iba kung nasan ang pinagbubuntis ng nanay noon.

Mayroon din naman sa ibang comments na nagpakita ng kanilang pictures na tinulungan na nila at dinala sa Jollibee ang maganak at dinalaw sa bahay.

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens 5

Viral

Ayon naman sa nagpost, marami daw ang nag PM sakanya at nagtatanong kung paano makakapagabot ng tulong sa maganak. Ngunit sa pamamagitan ng pagcomment, sinabi nito na personal na daw mapagabot ng tulong ang mga gustong magabot ng tulong o kaya naman ay ipaabot sa mga nakakataas sa kanilang lungsod sa Dipolog.

Magasawang Bulag Na Hinahatak Ng Batang Anak Sa Pamamagitan Ng Lubid, Pumukaw Sa Puso Ng Netizens 6

May iba rin naman na nagsabi na itag daw si Idol Raffy Tulfo upang sila ang makapagabot ng tulong sa maganak.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: