Press "Enter" to skip to content

Magkano Kaya Ang Laman ng Dolyares na Bulaklak Na Natanggap Ni Idol Mula Sa Golden Girls?

Last updated on March 18, 2020

Raffy Tulfo nakatanggap ng bulaklak na gawa sa dolyares mula sa mga Golden Girls na mula pa sa California. Pasasalamat daw ito sa kabutihang ginagawa niya sa mga tao.

Valentines Gift

Tila napaaga ang Valentines day ng beteranong TV journalist na si Raffy Tulfo matapos bigyan ng grupo ng mga kababaihang senior citizen na mula pa sa California USA ng bulaklak na gawa sa pera. Hindi lang basta pera kundi dolyares pa!

Ang Golden Girls of Milpitas California ay grupo ng mga OFW na nagpeperform sa mga ibat-ibang okasyon sa California sa pamamagitan ng pagsayaw. Dumating sa studio na kumpleto sa costume bilang simbolo ng kanilang grupo sina lola Perla Felix Espino at lola Estrella Gilana dala ang isang larawan ng kanilang grupo at bulaklak na gawa sa pera.

Magkano Kaya Ang Laman ng Dolyares na Bulaklak Na Natanggap Ni Idol Mula Sa Golden Girls? 2

Total performer

Ibinida ng dalawang lola na nagpeperform sila sa ibat ibang lugar at inaayon nila ang kanilang sayaw sa klase ng okasyon. Mula sa folk dancing hanggang sa sexy dancing ay kayang kaya umanong gawin ng grupo. Nasa 20 taon na nilang ginagawa ito ng libre lamang.

Dolyares

Ayon sa kanila, sinadya nilang umuwi ng Pilipinas hindi upang magbakasyon kundi upang personal na makita si Raffy. Nabalitaan umano nila sa California ang kabutihang ginagawa ni Tulfo sa ating mga kababayan.

Tuwang tuwa si Tulfo dahil sa bulaklak na kanyang natanggap. Ayon sa dalawang lola ay gawa sa dollars at iba’t ibang currency ang pera bilang simbolo na walang pinipiling tao si Tulfo tuwing siya ay tumutulong.

Magkano Kaya Ang Laman ng Dolyares na Bulaklak Na Natanggap Ni Idol Mula Sa Golden Girls? 3

Exchange gift

Bilang kapalit, binigyan naman sila ng Tulfo ng sweatshirt na may pangalan niya at ibat ibang collectibles na may pirma pa niya. Pangako ni Raffy na di niya gagastusin ang pera at bibilhan pa niya ito ng vase para maging dekorasyon sa bahay niya.

Bago umalis ay nagbigay pa ng isang maikling performance ang mga lola na siyang lalong ikinatuwa ni Raffy.

Panoorin ang video dito:

GOLDEN GIRLS FROM CALIFORNIA, BINIGYAN SI IDOL NG FLOWERS NA GAWA SA DOLLARS!

GOLDEN GIRLS FROM CALIFORNIA, BINIGYAN SI IDOL NG FLOWERS NA GAWA SA DOLLARS!#raffytulfoinactionYoutube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutubeFacebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebookInstagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagramWebsite: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Posted by Raffy Tulfo in Action on Friday, January 31, 2020

Source: Raffy Tulfo in Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: