Press "Enter" to skip to content

Magkasintahan, Nagkahiwalay Ng Dahil Sa Tiktok!

Nang dahil umano sa isang Tiktok, nasira ang relasyon ng magkasintahang si Wilma Barriatos, isang OFW at Gilbert Soriano na isang tanod sa Brgy 426, Sampaloc, Manila. Palagi umanong mag-kasama sa pagti-tiktok ng kanyang nobyo at ng kanilang kagawad na si Nheri Anne Dela Cruz na naging dahilan ng kaniyang matinding pag-seselos.

Ang Pagdulog ni Wilma

Ika-27 ng Mayo ng ma-ere ang pag-lapit sa tanggapan ng Raffy Tulfo In Action ni Wilma sa kadahilanang hiniwalayan umano sya ni Gilbert. Ang naging dahilan ng kanilang pag hihiwalay ay ang palaging pagsama nito sa pagtitiktok ni Kagawad Neri. Ayon kay Wilma, nagsimula umano ang kanyang pagdududa ng hindi na sya pinapansin at hindi sinasagot ang kanyang tawag ng nobyo. Nadagdagan pa ang kanyang galit dahil sa sobrang closeness ng dalawa na kitang kita sa mga tiktok videos nila.

Dahil dito nagkaroon ng pagkokompronta sa magkabilang panig. Ipinablotter ni Kagawad Neri at ni Gilbert si Wilma dahil nagpost ito sa social media ng mga larawan nilang dalawa na magkasama.

Libangan lamang

Sa panayam naman ni Raffy Tulfo kay Kagawad Neri, mariing niyang itinanggi ang mga paratang sakanya. Iginiit ng kagawad na libangan lamang nila ang pagtitiktok at walang malisya ang pakikisama niya sa kaniyang mga kasamahan, kabilang na dito ang tanod na si Gilbert.

Magkasintahan, Nagkahiwalay Ng Dahil Sa Tiktok! 5

Idinagdag pa ng kagawad na kinausap na sya ni Wilma na iwasan ang kanyang nobyo, ngunit sinabi nya na wala namang sapat na dahilan upang iwasan niya ang tanod. Ayon pa sakaniya, maaring ginagawan lamang sya ng issue ng mga taong may personal na galit saknya.

Ang katotohanan ayon kay Gilbert

Samantala, nagharap sina Wilma at Gilbert sa barangay upang mapag-usapan ang problema, ngunit itinanggi ni Gilbert na sya ay engage na kay Wilma at wala raw siyang ideya sa mga plano nitong kasal. Kinumpirma pa ni Gilbert na matagal na raw silang hiwalay ni Wilma. Bandang huli, iginiit niya na pagusapan nalang ang kanilang problema ng personal.

Panuorin rito ang video:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: