Press "Enter" to skip to content

Magkasintahang Frontliners, Nagpakasal Sa Loob Mismo Ng Ospital

Sa gitna ng banta ng COVID-19 at pagpapatupad ng Stay at Home at Social Distancing na kautusan ay hindi nagpapigil ang dalawang magkasintahan sa pagpapakasal. Sila ay kapwa frontliners na nagtatrabaho sa isang ospital sa lungsod ng Bacolod. 

Kasalan sa loob ng ospital

Kahit na wala ang presensya ng kanilang mga magulang ay nagpakasal pa rin ang magkasintahan. Noong Abril 8, sa taong kasalukuyan ikinasal sa pinagtatrabahuan na ospital ang dalawang frontliners. Si Jim Rhod Gerona, 36 at Jerahcel Torrentira, 30, na halos siyam na taon ng magkarelasyon.

Dapat ay ikinasal sila sa Cebu City noong Abril 8. Ngunit dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine at sa pagsasara ng mga transportasyon napagdesisyunan na lamang nila na sa Bacolod na lang magpakasal.

Magkasintahang Frontliners, Nagpakasal Sa Loob Mismo Ng Ospital 2
Source: Facebook

Gayunman, wala silang makitang lugar na mapagdausan ng kasal. Kaya naisip nilang makiusap sa ospital. Humiling sa administrador ng ospital kung maaari nilang gamitin ang isa sa mga silid ng kumperensya bilang isang lugar para sa kanilang kasal. Inaprubahan naman ito ng namamahala ng ospital dalawang araw bago ang kasal.

Conference room

Sa conference room ng Bacolod Adventists Medical Center ginanap ang kasalan ng dalawa. Ang magkasintahan ay nagtatrabaho sa ospital, si Jim ay sa Diagnostic at Imaging naka assign habang si Jerahcel ay sa Medical Record Section.

Magkasintahang Frontliners, Nagpakasal Sa Loob Mismo Ng Ospital 3
Source: Facebook

Sa iba’t-ibang lugar na rin ng ospital kinuha ang kanilang prenup na mga larawan. Mayroon sa elevator, sa entrance ng ospital at sa iba pang lugar.

Social distancing at pagsuot ng mask

Sinabihan ni Torrentira ang kanyang mga kaibigan sa trabaho na pumunta sa conference room. Samantalang ang isa pang kasamahan ay naglingkod sa kanilang kasal bilang photographer. Isang pastor mula sa ospital ang nanunungkulan din sa seremonya. 

Magkasintahang Frontliners, Nagpakasal Sa Loob Mismo Ng Ospital 4
Source: Facebook

Sa ginanap na kasalan, makikita pa rin ang pagsunod sa mga safety protocols, tulad ng social distancing na isang metro ang layo ng mga upuan. Ang pagsuot ng mask ay sinunod pa rin. At dahil nga sa mga ito, limitado lamang ang nakasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Pagkatapos ng kasal, sinabi niya na may mabilis silang meryenda at pagkuha ng larawan sa paligid lng ng ospital. 

Pagmamahalan sa gitna ng COVID19

Sa ngayon, ang kanilang honeymoon ay hindi pa nila alam kung kailan. Dahil pagkatapos ng kasal kailangan na nila agad bumalik sa kanilang trabaho. 

Sadya nga talagang walang magiging hadlang sa mga taong tunay na nagmamahalan. Kahit pa sa gitna ng pandemya na ating nararanasan ngayon, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan ng dalawang frontliners.

Ayon nga kay Torrentina na ngayon ay isa ng Mrs. Gerona.

“Kami ng asawa ko ay isang healthcare worker, hindi namin alam kung hanggang kailan matatapos ang lahat ng ito o kung ano pa ang susunod na mangyayari, kaya’t  ipinagpatuloy namin ang kasal.”

Samantala, narito ang video ng kanilang pag-iisang dibdib.

Frontliners, ikinasal sa ospital

TULOY ANG KASAL! Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine, sa pinagtatrabahuhang ospital na lang piniling ikasal ng magkasintahang frontliners sa Bacolod City.

Posted by ABS-CBN News on Monday, April 13, 2020


Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: