Press "Enter" to skip to content

Magsasaka, Makakatanggap Ng 5,000 Mula Sa Department Of Agriculture Ngayong Covid-19

Manila, Philippines – Makakatanggap na rin ng P5,000 cash subsidy ang mga magsasaka mula sa pamahalaan para sa pangangailangan ng mga ito ngayong may umiiral na enhanced community quarantine.

Ayuda mula gobyerno

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar sa kanyang Laging Handa public briefing nitong sabado, sinabi nya na 600,000 magsasaka ang makikinabang sa ayuda na tinatawag na Financial Subsidy to Rice Farmer (FSRF).

Magsasaka, Makakatanggap Ng 5,000 Mula Sa Department Of Agriculture Ngayong Covid-19 2
Source: Department of Agriculture PH

Aniya, bahagi ito ng inisyatibo ng ahensya na tulungan ang maliliit na magsasaka na may lupang sakahan na isang ektarya o mababa pa sa 24 probinsya na di saklaw ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program.

Ibibigay na

Dagdag ng kalihim, anumang araw ngayong linggo ay pasisimulan na nila sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines ang pamimigay ng P5,000 cash subsidy.

Magsasaka, Makakatanggap Ng 5,000 Mula Sa Department Of Agriculture Ngayong Covid-19 3
Source: CNN Philippines

Sinabi pa ni Dar na may nauna nang batch ng 600,000 magsasaka na mayroong dalawang ektaryang lupang sakahan pataas na tuloy-tuloy na nabibigyan ng tig P5,000 sa ilalim ng nasabing programa.

Tulong para sa lahat

Nangako ang Department of Agriculture na patuloy nilang tutulungan ang mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng iba pang pangunahing programa ng ahensya.

Ayon pa kay Dar,

“We vow to continue helping our small rice farmers, by implementing not only the FSRF and RFFA but also other major programs such as the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).”

Magsasaka, Makakatanggap Ng 5,000 Mula Sa Department Of Agriculture Ngayong Covid-19 4
Source: CNN Philippines

Dagdag pa niya,

“The SURE Aid loan assistance program and continuous palay-buying through the National Food Authority, help them to boost farmers’ productivity and incomes.”

Proseso ng pag tanggap

Nag bigay naman ng guidelines ang DA sa tamang proseso ng pag tanggap ng nasabing ayuda.

Eto ang ang mga sumusunod:

  1. Kailangan mag fill-up at sumite ng porma sa DA Regional Office sa tulong ng Municipal Agriculture Office (MAO).
  2. Dapat ay nasa kalahati hanggang dalawang ektarya ang lupang iyong sinasaka base sa RSBSA form na iyong isinumite.
Magsasaka, Makakatanggap Ng 5,000 Mula Sa Department Of Agriculture Ngayong Covid-19 5
Source: CNN Philippines

Karagdagang kaalaman:

  1. Hindi opisyales ng Barangay o opisyales ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang namimili sa mga nabigyan ng financial assistance.
  2. Galing sa DA Regional Office ang listahan ng mga magsasakang nabigyan.
  3. Kung kwalipikado batay sa mga nabanggit at wala sa listahan, mag hintay sa ibibigay na guidelines o listahan ng susunod na batch na ibibigay ng DA Regional Office.

Samantala, nanawagan naman ang DA sa publiko na huwag mag panic dahil lahat ay mabibigyan ng ayuda mula sa gobyerno.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: