Press "Enter" to skip to content

Magtatahong Tatay Na Nangangailangan Ng Tulong, Tumutulong Din Sa Iba

Last updated on July 26, 2020

Isang tatay na magtataho ngayon ang laman ng social media at balita dahil sa pamimigay niya ng libreng taho. Ito ay kanyang pinamimigay sa mga taong nakapila para sa COVID testing area sa kalakhang Maynila.

Libreng taho

Si Mang Gimmy Conos, 52 taong-gulang ay isang magtataho. Umaga pa lamang ay laman na siya ng kalsada dahil sa paglalako ng taho. Ngunit dahil sa pandemya, hindi na nauubos ang kanyang paninda. Kahit abutin na siya ng hapon ay marami pa rin natitira pa rin sa kanyang taho.

Magtatahong Tatay Na Nangangailangan Ng Tulong, Tumutulong Din Sa Iba 2
Photo Credit: GMA Public Affairs

Imbis na itapon ang mga natira sa kanyang paninda, naisipan niya na ipamigay na lang ang mga ito. Binigay niya ang mga ito sa mga taong nakapila sa COVID testing area sa Manila.

Sabi nga ni Mang Gimmy,

“Marami pang laman, nanghihinayang po akong itapon. Mas mamabutihin ko pang mapakinabangan ng mga tao kesa itapon ko. Masaya po ako, nakatulong ako sa nahirapan sa haba ng pila.”

May karamdaman din

Hindi alintana ni Mang Gimmy ang kanyang sakit, isa siyang mild stroke patient. Kailangan pa rin niya magtrabaho para mabuhay. Kahit bawal na siya magbuhat ng mabigat dahil sa kanyang kalagayan, pero balewala lang sa kanya dahil ang nais niya ay kumita.

Magtatahong Tatay Na Nangangailangan Ng Tulong, Tumutulong Din Sa Iba 3
Photo Credit: GMA Public Affairs

Sa ngayon nga ay hindi siya umuuwi sa kanila dahil takot siya na malockdown ang kanilang lugar at hindi siya makalabas. Kaya sa jeep lamang siya natutulog. Sa kabila ng sakit ni Mang Gimmy, nagsusumikap pa rin itong maghanapbuhay. Mahina na rin ang katawan niya, ayon nga sa kanya,

“Ang kinatatakutan ko lang po, biglain ako ng aking sakit. Nararamdaman ko ‘yung batok ko sumasakit talaga at ‘yung ulo ko parang iniikot.”

Nakakahanga si Tatay

Lubos nga nakakahanga ang kabutihan ni Mang Gimmy. Dahil kung tutuusin mas nangangailangan siya ng tulong. Pero ang nangyari, siya pa itong nagbibigay ng tulong sa iba sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng taho.

Magtatahong Tatay Na Nangangailangan Ng Tulong, Tumutulong Din Sa Iba 4
PhoTo Credit: GMA Public Affairs

Marami nawa ang katulad pa ni Tatay Gimmy na handang tumulong sa kapwa. Tumulong ng kusang-loob sa kahit sa maliit na paraan, at hindi naghihintay ng anumang kapalit. Matulungan din sana si Tatay ng mga may mabuting puso, gaya niya.

Source: GMA Public Affairs

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: