Press "Enter" to skip to content

Magtitinda Ng Gulay, Pinagbabaril Hanggang Mamatay

Last updated on June 9, 2020

Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki na hubo’t hubad at may tama ng bala sa ulo. Kinikilala ang biktima na si Victorino De Roxas sa Sitio Dita sa Barangay San Jacinto, Agoncillo, Batangas  noong Martes, ika-2 ng Hunyo taong 2020.

Biktima

Isa si De Roxas na kilalang naglalako ng gulay sa kanilang barangay kasama ang kanyang maybahay. Ngunit sa araw na nawala si Roxas ay napansing hindi niya kasama ang kanyang asawa. Naiulat din na sa araw na iyon ay siya lamang ang namataang namimili ng mga gulay upang ibenta.

Magtitinda Ng Gulay, Pinagbabaril Hanggang Mamatay 2
Photo Credit: Youtube

Pagkawala

Naiulat na nawawala ang biktima at tanging natagpuan lamang ay kanyang tsinelas at tindang mga gulay at mga bakas ng dugo sa tabi ng isang kalsada. Halos 24-oras na hinanap si De Roxas ng kanyang mga kaanak at nagbabakasakaling naaksidente lamang ang biktima at malaking palaisipan dahil hindi rin mahanap ang kanyang motorsiklo at di rin matunton kung saang ospital.

Magtitinda Ng Gulay, Pinagbabaril Hanggang Mamatay 3
Photo Credit: Mharvin De Roxas
Youtube

Pagkadiskubre sa katawan

Sa di kalayuan sa lokasyon kung saan nakita ang mga gamit at mga bentang gulay ni De Roxas ay may kanto na binabagtas ng kanyang mga kaanak at ibang mga kasama.

Magtitinda Ng Gulay, Pinagbabaril Hanggang Mamatay 4
Photo Credit: Youtube

Sila ay nagbabakasakaling makita si De Roxas sapagkat may bakas ng mga sasakyan ngunit nabigo at nang bagtasin muli ang lugar ay may napansin silang nahawing daan sa talahiban at patak ng dugo na nagturo upang mahanap si De Roxas na nakbaon sa lupa at walang saplot.

Panawagang hustisya

“Pinatay nang walang laban. Naghahanapbuhay, pinutol ang buhay. Ang mga anak ay daming-dami, nag-aaral sa ama lang naasa. Pinutol pa nila ang buhay ng anak ko. Wala silang awa. Pusong hayop, hindi pusong tao ang ginawa nila sa anak ko,” ani Marciana De Roxas, ina ng biktima.

Magtitinda Ng Gulay, Pinagbabaril Hanggang Mamatay 5
Photo Credit: Youtube

Walang Motibo

Hindi parin tiyak ng pamilyang De Roxas kung ano ang motibo o anggulo sa pagpaslang kay De Roxas.

Ayon sa anggulo ng mga Agoncillo Police at pagpapaliwanag ni Police Staff Sergeant Joseph Alcones ay tinitignan ang mga nakaraang krimen ni De Roxas tulad ng pagnanakaw ng kambing, at bilang nahulihan ito noon ng baril at droga.

Bagong buhay

Ihinayag ni Hilaria De Roxas, kapatid ng biktima, na nakapagbagong buhay na ito. “Ang akin pong kapatid ay siya po ay nagbago at inaasikaso na niya ang pamilya niya” karagdagang pahayag niya.

Sa kasalukuyan ay wala paring katiyakan kung ano ang nangyari at patuloy parin ang imbestigasyon sa nangyaring pagpaslang kay De Roxas.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: