Press "Enter" to skip to content

Mahabang Pila at ‘Bad Customer Service’ Ng Isang Internet Provider, Inireklamo Ng Isang Netizen!

Trending na naman ang hindi matapus tapus na usaping mababang customer service ng PLDT.

Video

Isang video ang nagviral ngayon mula sa facebook post nang nagngangalang Jenah Matteo na kung saan makikita ang mahabang pila sa harap ng isang PLDT branch. Ayon sa video, sinasabing branch ito sa Tayuman.

Maririnig si Lola na nagsasabing,

“Iyan, iyan nakikita niyo yang haba ng pila na yan. Wala silang priority lane. Kahit matatanda nakapila. Dapat mayron silang priority lane, senior, pwd, wala, haba ng pila mga nakatayo pa”

Mahabang Pila at 'Bad Customer Service' Ng Isang Internet Provider, Inireklamo Ng Isang Netizen! 2
Source: Jenah Matteo

Ang kwento

Ayon sa post ni Jenah Matteo, 

“Gusto ko Lang I-share ang pag hihirap ng Pinoy sa ginagawa ng PLDT sa mga subscribers or customers.”

Sa kanyang kwento, naputulan sila ng internet connection sa kadahilanan ng PLDT na di daw sila nagbabayad. Ngunit ayon kay Jenah,  updated sila ng pagbayad ng kanilang bills sa PLDT at kompleto sila ng mga kaukulang resibo. Hindi sa kanila ang problema. Nasa PLDT dahil sila ang hindi nag uupdate ng kanilang records.At dahil dito kailangan nilang pumunta sa PLDT.

“tumawag samin from PLDT na naniningil. Hindi nila na encode iba namin payments! So it’s not our fault but we need to go to their branch para magpaencode ng resibo namin!!”

Pila

Ayon sa kanyang post dahil mayron silang trabaho mula 7am hanggang 4pm kaya hindi sila makakapila sa PLDT para dalhin ang mga proof of payments na nasa kanila. Sa halip ang pumunta ay ang kanilang nanay. 

“Mom ko pumipila, may edad na mom ko at nakasabay niya rin PWD and Senior sa pila, they have no PRIORITY LANE!!!”

Patuloy niya,

“Bilad sa araw, then bibigay Lang ay reference number?! After mo pila pag ka haba haba! Wala ba magagawa government natin dito?! Puro tiis nalang ba Gagawin namin?!

Mahabang Pila at 'Bad Customer Service' Ng Isang Internet Provider, Inireklamo Ng Isang Netizen! 3
Source: Jenah Matteo

PLDT

Kanyang panawagan sa PLDT,

“Monthly kami nawawalan ng signal for the reason we don’t know, mom ko pila ng pila. Wala ba kayong awa PLDT??? Maging makatao naman sana kayo.

Online Customer Sevice niyo walang kwenta, hotline niyo voice prompt nasagot! We are paying properly, We Deserve more than this!”

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: