Press "Enter" to skip to content

Mahigit 2,000 Pamilya, Apektado Ng Sunog Sa Happy Land Tondo

Mahigit sa 2,000 pamilya ang apektado ng sunog sa Brangay 105, Happy Land, Tondo, Maynila nitong sabado bandang alas 7:32 ng umaga.

Task Force Bravo

Tulong-tulong ang mga residente na maapula ang apoy na nagsimula bandang alas 7:32 ng umaga. Ayon sa ulat, itinaas ito sa Task Force Bravo. Sinabi rin ni Guillermo Firmalino Jr., chief ng intelligence and investigation section ng Manila Fire District, nang dahil sa masikip ang naturang lugar, nahirapan ang mga firetruck na makapasok rito.

Mahigit 2,000 Pamilya, Apektado Ng Sunog Sa Happy Land Tondo 2

Idineklara namang fire-out ang sunog bandang alas 9:41 ng umaga at naitalang may mahigit 1.2 milyong halaga ang pinsala. Kasalukuyan namang ini-imbestigahan ang pinag-mulan ng sunog. Maari umano na electrical ang naging sanhi na nagsimula sa ikalawang palapag ng isa sa mga bahay rito.

Social distancing

Nananatili naman ngayon ang mga residente sa isang evacuation center. Ang kanilang pinoproblema ngayon ay ang masikip na lugar. Dahil rito, hindi na nasusunod ang Social distancing na ipinapatupad habang umiiral ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Mahigit 2,000 Pamilya, Apektado Ng Sunog Sa Happy Land Tondo 3

Dalawang covered court at isang gusali namn ang inilaan para sa mga apektadong pamilya. Mayroon ding 34 na temporary housing ang pagdadalhan sakanila subalit sa ngayon, dahil sa dami nila siksikan pa rin ang mga ito at hindi pa rin nagkakasya.

COVID-19

Kahit wala pa namang naitatalang kaso ng virus sa nasabing lugar, nangangamba pa rin ang mga residente sa banta nito lalo na’t lahat sila ay walang maisuot na facemask at halos siksikan sa isang lugar.

Panawagan

Nananawagan ngayon ang mga residente na sila ay mabigyan ng tulong at una na rito ay ang kanilang mga pagkain. Noong simula pa umano ng Luzon lockdown ay marami na saknila at kapos dahil hindi sila makapag-trabaho at mas lalo lang umanong lumala ang kanilang sitwasyon dahil sa sunog.

Source: ABS-CBN News

Para sa karagdagang detalye:
Nakalockdown Na Nasunugan Pa – Mga Residente Kumakatok Ng Tulong

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: